• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Dredging, pansamantala ngunit epektibong solusyon sa pagbaha” – Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS- Bagaman batid niya na hindi permanenteng solusyon ang paghuhukay ng mga ilog sa pagbaha sa lalawigan, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na mahalagang sangkap ito sa pagpigil ng malawakang pagbaha sa Bulacan.

 

 

“Paglalagay talaga ng dike ang permanenteng solusyon sa pagbaha. Pero pansamantala, habang hindi pa ito nasisimulan, ito muna ang ating ginagawa para maibsan ang paghihirap ng mga tao,” anang gobernador.

 

 

Sa kabila ng pag-ulan, ininspeksyon ng gobernador, kasama sina Bise Gob. Alexis C. Castro at Kinatawan Danilo Domingo, ang mga dredging project sa Balite Creek sa Balite, Lungsod ng Malolos; Apulid Creek sa Longos, Lungsod ng Malolos; Sapang Bangkal sa San Isidro, Hagonoy; at Ilog Hagonoy sa San Agustin, Hagonoy kahapon.

 

 

Maliban dito, mayroon ring kasalukuyang dredging project ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ni Cong. Domingo sa Bulihan, Barihan, Santissima, at Mojon, lahat sa Lungsod ng Malolos. Ang walong lokasyon na ito ay may target volume na 35,000 cubic meters sa kabuuan.

 

 

Binanggit din ni Fernando na nakipag-usap na siya sa mga lokal na opisyal ng Department of Public Works and Highways at nangako sila na magtatayo ng dike, pumping stations, at flood gates, at tataasan ang river wall sa lalawigan.

 

 

Bibili rin aniya ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Engineer’s Office sa pamumuno ni Inh. Glenn Reyes ng kahit na apat na karagdagang backhoe dredgers sa katapusan ng taon.

 

 

Humihingi rin ng tulong si Fernando mula sa Department of Environment and Natural Resources at DPWH; at sa mga lokal na pamahalaan na magdagdag ng backhoe upang makatulog sa sitwasyon.

 

 

Bukod pa rito, kumakalap rin ng suporta ang gobernador sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan mula sa mga pribadong kumpanya upang masolusyunan ang mahabang panahong pakikipaglaban ng lalawigan sa baha.

 

 

Bilang panghuli, nanawagan si Fernando sa mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi sa pagprotekta ng kalikasan sa pamamagitan nang hindi pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig na maaaring magdulot nang pagkasira sa lalawigan.

 

 

“Itong lahat ng ginagawa natin ngayon ay mawawalan ng saysay kung patuloy pa rin po nating sisirain ang ating kapaligiran. Tayo po sa pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng pamamaraan upang matulungan ang ating kababayan. Kayo naman pong ating mga kalalawigan, gawin rin po natin ang ating parte upang mapigil ang lubos na pagkasira ng ating kalikasan,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • ANGEL, tuturuan ng tamang paraan ni MARIAN after makita ang post ng ‘epic fail’ na pagluluto ng spaghetti

    NAG–ABOT pa sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Angel Locsin sa GMA Network, bago ito lumipat sa ABS-CBN.     Pero nanatili ang friendship nila, kahit hindi naman sila madalas nagkikita, dahil may social media naman.     Kaya nga nakita ni Marian ang IG story ni Angel, na nag-aral palang magluto ng spaghetti […]

  • PBBM: Wala ng extension ng consolidation para sa PUJs

    SA ISANG pahayag ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kanyang sinabi na wala ng ibibigay na extension ang pamahalaan sa deadline ngayon Dec. 31 tungkol sa consolidation ng mga public utility jeepney (PUJs) upang maging kooperatiba o korporasyon.       “We held a meeting with transport officials and it was decided that the deadline […]

  • ‘RICKY AND MORTY’ NOW STREAMING ON HBO GO

    WE have some seriously schwifty news to report!   HBO GO subscribers are in for an irreverent viewing treat as the world’s number one animated comedy, Rick and Morty, is added to the streaming service in Asia. Fresh from its Emmy win, Seasons 1-4 of the show is now available to stream.   Rick and […]