• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW

NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.

 

 

Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso at dolyar sa loob ng halos dalawang dekada.

 

 

Inihayag ng mga OFWs na pinagkakasya nalang nila ang kanilang padala dahil mahal rin umano ang transaction fee sa mga remittances.

 

 

Sa pahayag naman ng mga tumatanggap ng padala mula sa kanilang pamilya sa ibang bansa, bukod sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nagkukulang narin ang kanilang budget dahil sa dami ng kanilang gastusin ngayong pandemiya kung saan, hinahati nalang nila ang budget para sa maintenance, pambayad ng bahay, tubig at ilaw.

 

 

Batay sa pinakabagong Monetary Policy Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posible pang magpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang sa susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Early Valentine’s Day treat nila ang TVC ng TNT: DANIEL at KATHRYN, kaabang-abang ang mga pasabog ngayong 2023

    EARLY Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans ang pagpapakilala ng value mobile brand TNT kay Daniel ‘DJ’ Padilla bilang bagong endorser nito, kasama ang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn Bernardo.     Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa karisma niya at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa […]

  • Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia

    Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo.     Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]

  • Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic

    HANDA  pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.     Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng […]