• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.

 

 

Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng statements.

 

 

Kabilang sa apat ang Plan of Action sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia mula 2022 hanggang 2027; Memorandum of Understanding kaugnay sa kooperasyong pang­kultura; Agreement on Cooperative Activities sa larangan ng depensa ay seguridad sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia; at pang-apat ang Memorandum of Understanding for Cooperation in the Development and Promotion of Crea­tive Economy.

 

 

Sa kanyang paha­yag, pinasalamatan ni Marcos ang Indonesia para sa mga tulong at kanilang pakikilahok sa mga programang pang-imprastraktura noong panahon ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

 

 

Samantala, inilarawan nina Marcos at Widodo ang papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang “lead agent” sa pagdadala ng kapayapaan sa gitna ng mga nangyaya­ring pandaigdigang isyu.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na ang papel ng “regional bloc” ay mahalaga sa seguridad sa rehiyon at sa pagtatamo ng kapa­yapaan.

 

 

Sinabi naman ni Widodo na nais ng Indonesia na tiyakin na ang ASEAN ay mananatiling daan ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon. Dapat din aniya na ka­yang harapin ng ASEAN ang mga hamon sa hinaharap at palakasin ang paggalang sa ASEAN Charter.

 

 

Binigyang-diin ni Widodo ang kahalagahan ng pagpapatupad ng ASEAN Outlook sa Indo-Pacific sa pamamagitan ng kongkreto at inklusibong kooperasyon upang palakasin ang sentro ng ASEAN.

 

 

Idinagdag ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Jakarta ay “simula lamang” ng maraming mahahalagang partnership na nakatakdang isasagawa ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • DOST tutulungan ang LRT 1 sa pagkukumpuni ng mga trains

    Inaasahang sisimulan na ngayon buwan ng Department of Science and Technology – Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) ang pagbibigay ng tulong sa LRT1 consortium para sa pagkukumpuni at pagaayos ng mga lumang light rail vehicles (LRVs).     Nilagdaan ng DOST-MIRDC at Light Rail Manila Corp (LRMC) ang isang memorandum of understanding noong […]

  • DA, pinaigting ang pagsisikap para gawing makabago ang sektor ng bigas sa Pinas

    PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na gawing makabago ang “rice farming sector” sa bansa.     Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinaigting ng DA ang ginagawa nito para gawing makabago ang pagsasaka, magtayo ng mas  maraming agricultural infrastructure at i-adopt  ang pinakabagong teknolohiya para i-improve  ang rice […]

  • Bago ang SONA ni PBBM: Senador Zubiri, binigyang-diin ang mga kritikal na isyu para sa mga Pilipino

    HABANG naghahanda ang bansa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magaganap ngayong Hapon, Hulyo 22, binigyang-diin ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga kritikal na paksa na inaasahan niyang tatalakayin ng Pangulo, na sumasalamin sa mga pinakapilit na alalahanin ng mga Pilipino ngayon. “The country’s […]