• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd day ni PBBM sa Indonesia, ‘very productive’- Sec. Cruz-Angeles

“VERY PRODUCTIVE” ang pangalawang araw ng state visit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa Indonesia.

 

 

Sa press briefing sa Harris Suites sa Jakarta, sinabi ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles na maraming na-accomplished ang Pangulo sa isang buong araw.

 

 

“It was very productive, extremely so because the President did not expect that the talks between him and [Indonesian] President [Joko] Widodo would progress so rapidly in such a short time,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Bago pa kasi magtanghalian, nagdaos na ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama ang Philippine delegation  sa kanyang  Indonesian counterpart at iba pang Indonesian officials sa  Bogor Presidential Palace sa West Java.

 

 

Sa nasabing pulong nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan gaya ng “defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, at plan of action para sa  bilateral cooperation.”

 

 

Sa  kanyang official Facebook page, kumpiyansang  ipinahayag ni Pangulong Marcos na ang apat na kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay mapakikinabangan hindi lamang ng dalawang bansa kundi maging ng buong  Association of Southeast Asian Nations (Asean) region.

 

 

“We are confident that the agreements signed between our countries will help build a peaceful and more united Asean region,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nagbigay-galang naman si Pangulong Marcos sa Heroes Monument sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa  Kalibata National Heroes Memorial Park sa Jakarta.

 

 

Kasama ng Pangulo si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa idinaos na ceremonial event.

 

 

Samantala, nagkaroon din si Pangulong Marcos ng roundtable discussion kasama ang mga  business leaders sa Indonesia sa Fairmont Hotel, Jakarta.

 

 

Ani Cruz-Angeles, masaya ang Pangulo sa ipinakitang interest ng mga business leaders sa  ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“This is part of his vision for economic recovery and he also happily reported to them the general outcome of his agreements or his talks with President Widodo,” wika ni Cruz-Angeles.

 

 

Ang Pangulo (Marcos) ay kasalukuyang nasa Indonesia para sa  three-day state visit mula Setyembre 4 hanggang  6.

 

 

Matapos sa Indonesia ay lilipad naman ang Pangulo para naman sa kanyang state visit sa  Singapore sa Setyembre  6 at  7.  (Daris Jose)

Other News
  • ‘Avatar: The Way of Water’, ‘Doctor Strange 2’, and ‘Lightyear’, Soon to Hit Theaters!

    Walt Disney Studio provided exciting details     during the recent CinemaCon in Las Vegas for its 2022 theatrical release slate from Pixar Animation Studios, Marvel Studios, and 20th Century Studios, including a first look at the “Avatar” sequel!     The title of the “Avatar” sequel, which will open in theaters December, is “Avatar: The […]

  • RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

    INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.     Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]

  • Ads September 1, 2021