Peso naitala ang bagong all-time low vs US dollar – BSP
- Published on September 7, 2022
- by @peoplesbalita
NASA ikatlong araw na trading day na sunud-sunod na sumadsad sa pinakamababang halaga ang piso laban sa dolyar.
Sinasabing nalugi sa 22.9 centavos ang piso mula noong Biyernes laban sa dolyar.
Ang paghina lalo ng piso ay kasunod umano ng mga pahayag ng mga opisyal ng Federal Reserve sa Amerika na kailangan pa ang mas mahigpit na monetary policy bago makontrol ang inflation.
Liban sa nasabing dahilan, nanghina rin ang piso matapos ang bagong record-high na pagkakautang ng Pilipinas.
Una nang napaulat na ang Philippine government running debt stock ay lomobo pa sa bagong all-time high ng P12.89 trillion.
Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) meron na silang mga nagawa upang ma-stabilize ang peso matapos ang serye ng rate hikes.
Sa ngayon wala naman daw problema sa peso kundi ang may problema ay ang dolyar.
Mula noong Disyembre ng nakalipas na taon, umaabot na sa 11.76% o halos P6.00 na ang ikinalugi ng peso mula sa dating P51-per-dollar close noong December 31, 2021.
Nitong Lunes naitala sa BSP rates ang isang dolyar na katumbas ng P56.79.
-
Ads November 22, 2024
-
Mas ok na walang network exclusive contract: ADRIAN, longevity ang habol at hindi yung palaging bida
BAGO ang ‘Magandang Dilag’ ay napanood si Adrian Alandy sa ‘Widow’s Web’ ng GMA. Huli naman siyang napanood sa ABS-CBN sa ‘Kadenang Ginto.’ Tinanong namin si Adrian kung ano ang feeling na isa siya sa mga artistang puwedeng magtrabaho sa lahat ng networks? “Well, nakakatuwa kasi mas maraming actors […]
-
DOFIL, mangangailangan ng P1.19b pisong pondo –DBM
MANGANGAILANGAN ng P1.19 bilyong piso para pondohan ang panukalang Department of Overseas Filipinos (DOFIL). Ito ang inihayag ni Director Emelita Menghamal ng Department of Budget and Management (DBM) Systems and Productivity Improvement Bureau matapos ang isinagawang deliberasyon DOFIL sa Senate Committee on Labor na pinamunuan ni Senator Joel Villanueva bilang chairman ng komite. […]