Student financial aid, sapat lang para sa 20% ng 2 milyong aplikante
- Published on September 7, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ay makatatanggap ng cash aid.
Ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez, ang aplikasyon para sa programa ay umabot na sa dalawang milyon subalit 20% lamang ng dalawang milyon o 400,000 estudyante ang masasakop ng₱1.5-billion budget .
“‘Wag naman po ikasasama ng loob ng ating mga kababayan kung sila man po ay hindi maaabot ng ating programa,” ayon kay Lopez.
Aniya pa, ang aplikasyon para sa aid program ay sasalain sa pamamagitan ng mahigpit na assessment sa mga dokumento na isasagawa ng mga social workers.
Tanging ang mga aplikante na mapatutunayan na mahirap at nahaharap sa matinding krisis ay tatanggapin at makapapasa bilang benepisaryo.
Sa ngayon, sinabi ni Lopez na nakapagpalabas na ang DSWD ng ₱649 milyong piso para sa 257,285 estudyante.
Ang programang ito ay tatakbo ng hanggang Setyembre 24.
“Mga almost ₱900 million pa po ang pondong nalalabi at naniniwala po tayong sapat po ito hanggang sa last payout natin sa Sept. 24,” ang wika ni Lopez.
Samantala, kaagad namang magpapatuloy ang payout sa mga lugar na apektado ng Tropical Depression Gardo at Typhoon Henry sa oras na naisaayos na ang mga field offices.
Ang mga off-site assistance payout ay nagsimula sa lalawigan ng Iloilo, Rizal, at Aurora, ang mga estudyante sa mga nasabing lalawigan ay walang access sa internet.
-
5 insidente, nirespondehan ng PCG sa Navotas City
RUMESPONDE ang Philippine Coast Guard (PCG) sa limang insidenteng naitala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong enteng at habagat ngayong araw. Una rito ang nagsalpukang LCT GT Express at M/V Kamilla na nagresulta sa sunog. Na-rescue naman ang 18 tripulante ng mga sasakyang pandagat at kanilang dinala sa pagamutan para sa proper checkup. Pangalawa ang […]
-
“Biyahe ni Drew” explores new travel goals on GMA beginning August 3
Good news to all Kapuso travel enthusiasts! Resident Biyahero Drew Arellano goes on a new adventure as GMA Public Affairs’ long-running travel show “Biyahe ni Drew” airs on GMA starting August 3. On this new journey, Drew invites celebrities and personalities to join him on his travel adventures. From trying out […]
-
Unraveling the Mystery: “Madame Web” Debuts with Stunning Character Posters
GET ready for a web of mystery and power as “Madame Web” reveals the heroic faces behind the masks in stunning new posters. Dakota Johnson leads an exceptional cast in Sony’s Spider-Man Universe, promising a groundbreaking cinematic experience. Sony’s Spider-Man Universe is about to be revolutionized with the release of “Madame Web”, […]