PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore
- Published on September 8, 2022
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections.
Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 1,500 Filipino sa Ho Bee Auditorium ng National University of Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga filipino sa Singapore ang pinagmulan ng “second highest voter turnout” para sa overseas automated voting sa Asia Pacific at “third highest” sa buong mundo.
“Yung performance ng eleksyon ang pinakamataas na nakita ng embassy na recorded since overseas voting began in 2004. Muli, maraming salamat po,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang tallumpati.
“Kahit na gusto namin kayong puntahan ay hindi pa kami pinapayagan. Pero ngayon, ito na ang ating pagkakataon. Kaya nga sabi ko dito sa halalan na ito, nabaliktad ang proseso. Nauna ang boto sa kampanya, nahuli yung kampanya. Pero since kampanya ito wag nyong kalimutan iboto ninyo Bongbong at Sara, ha,” ayon sa Pangulo.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga Filipino dahil sa ginagawang magandang impresyon sa Singaporeans dahil sa kanilang “skills at hard work.”
“Kayo lahat ay ambassador ng Pilipinas at talaga sa pagka ambassador ninyo ng Pilipinas ay ginagawa ninyo at binibigyan ninyo ng dangal ang Pilipinas ,” aniya pa rin.
Nangako naman ito na ipaprayoridad ang kapakanan at proteksyon ng mga Filipino sa Singapore at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, scholarships, at healthcare sa tulong ng embahada doon at ahensiya ng gobyerno ng Department of Migrant Workers.
Batid naman ng Chief Exeuctive na mahirap sa mga Filipino na mawalay sa kanilang mga pamilya. Pinuri naman niya ang mga ito dahil napapanatili ang “positive attitude” sa kabila ng mga paghihirap.
“Being in another country far away from your loved ones is not easy pero matibay ang Filipino . You can withstand hardships by wearing the most beautiful of smiles,” ayon sa Pangulo.
Bilang bahagi ng kanyang pangako na bigyan ng maayos na buhay ang mga Filipino, nangako ang Punong Ehekutibo na magbibigay siya ng mas maraming oportunidad sa Pilipinas.
“Hanggang dumating ang araw na kumpleto na ang trabaho sa Pilipinas ay meron pa tayong pagkakataon na ipakita ang galing, husay, sipag at bait ng ating mga overseas workers,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, tinatayang may 200,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore.
Sa nasabing pigura, 58% ang registered bilang professionals at skilled workers, habang 42% naman ang household service workers. (Daris Jose)
-
Pag-aaral ng mga developed countries sa natuklasang pananatili ng Covid -19 sa loob ng anim na buwan sa mga tinamaang pasyente, gumugulong na
KASALUKUYAN nang sinisimulan ngayon ang pag-aaral ng mga developed country ukol sa natuklasan ng mga eksperto na kondisyon ng mga Covid-19 patients na nakararanas pa rin ng sintomas ng virus ng hanggang anim buwan na tinatawag na long COVID o long haulers. Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) sub- technical working group member on […]
-
MAS MARAMING Pinoy, magsusuot pa rin ng face masks sa kabila ng optional na pagsusuot sa outdoors
Mas marami pa rin umanong bilang ng mga Pinoy ang magsusuot ng face masks sa kabila ng direktiba ng pamahalan na optional na lamang ang pagsusuot nito. Ayon kay OCTA Research fellow Ranjit Rye, base sa raw sa kanilang isinagawang survey, lumalabas na 28 percent daw sa mga respondent ang nagsabing patuloy pa […]
-
LIBRENG SAKAY
LIBRENG SAKAY: Naghandog ng Libreng Sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para umalalay sa mga commuters na ma-stranded o walang masakyan dulot ng masamang lagay ng panahon na dala ng Bagyong Kristine. Pinaalalahanan din ng pamahalaang lungsod ang lahat na mag-ingat at nakahanda naman itong umalalay sa lahat ng pangangailangan. (Richard Mesa)