Mataas na palitan ng piso vs dolyar, ramdam na ng mga OFW
- Published on September 9, 2022
- by @peoplesbalita
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.
Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso at dolyar sa loob ng halos dalawang dekada.
Inihayag ng mga OFWs na pinagkakasya nalang nila ang kanilang padala dahil mahal rin umano ang transaction fee sa mga remittances.
Sa pahayag naman ng mga tumatanggap ng padala mula sa kanilang pamilya sa ibang bansa, bukod sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nagkukulang narin ang kanilang budget dahil sa dami ng kanilang gastusin ngayong pandemiya kung saan, hinahati nalang nila ang budget para sa maintenance, pambayad ng bahay, tubig at ilaw.
Batay sa pinakabagong Monetary Policy Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posible pang magpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang sa susunod na taon.
-
Seguridad sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates, maaasahan – PNP
TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng standard security package ang mga kandidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period, February 8, 2022. Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang […]
-
Nakikita naman kay Luna na pwede ring mag-showbiz: JUDY ANN, ‘di pagbabawalan na ligawan si JOHAN basta pumunta lang ng bahay
AMINADO ang Prime Superstar na si Judy Ann Santos na mas nahirapan daw siyang gawin ang ‘Espantaho’, na isa sa 10 entries sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25. Na-realize kasi niya after gawin ang horror film, hindi lang comedy ang mahirap gawin para sa kanya. […]
-
Mahihilera na kina Manny, Pia at Catriona: LEA, balitang magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore
BALI-BALITANG malapit nang magkaroon ng kanyang sariling wax figure ang Filipina international star na si Ms. Lea Salonga sa Madame Tussauds Wax Museum. Ayon sa Merlin Entertainments, ang company na nag-o-operate ng Madam Tussauds, pinipili na nila ang next Filipino celebrity para mai-display sa bagong branch ng Madame Tussauds sa Singapore. […]