• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mangingisda sugatan sa pananaksak sa Navotas

MALUBHANG nasugatan ang isang 37-anyos na mangingisda matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Arnold Fatagani, ng Pescador St., Brgy. Bangkulasi.

 

 

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Navotas police habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilala bilang si Adonis Canoy, 26 ng R-10 Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

 

 

Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Road -10 NBBS Proper papunta sa kanyang trabaho dakong alas-11:30 ng gabi nang bigla na lamang siyang hinarang ng suspek.

 

 

Naglabas ng isang screw driver ang suspek at bigla na lamang inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima na tinangka pa niyang pigilan subalit, patuloy siyang inuundayan ng saksak ni Canoy.

 

 

Ilang concerned citizens ang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Sttion 4 na agad namang rumesponde sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang isinugod naman ang bitktima sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, magkakaroon ng 12 o higit pang bilateral talks sa sidelines ng COP28 — DFA

    TINATAYANG aabot sa 12 o higit pa ang  bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng  Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates.     Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing  bilateral meetings ay […]

  • X-Men Joins MCU, Charlize Theron Will Suits Up As Mystique

    EVERYBODY can’t wait for the X-Men to join the Marvel Cinematic Universe and now we have our first look at what Charlize Theron could look like as Mystique.     Across her illustrious career, of the Oscar winner actress, has taken on many roles; however, there is one role that has long alluded her: a […]

  • Religious gatherings restrictions sa GCQ areas, niluwagan pa ng IATF

    DAHIL hindi na tumataas ang attack rate ng Covid -19 at hindi na masikip ang mga hospitals kaya’t nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na i- relax o paluwagin ang restrictions sa mga relihiyosong pagtitipon o religious gatherings ng 50% sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine epektibo sa darating na Lunes, […]