Hanggang March 2023 ang schedule at kasama ang ‘Pinas: ‘Justice Tour’ ni JUSTIN BIEBER, muling natigil dahil sa health issues
- Published on September 9, 2022
- by @peoplesbalita
SUCCESSFUL ang theater debut ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden sa musical stage production ng “Miss Saigon” sa Guam.
Ginampanan ni Garrett ang role na John Thomas na best friend ni Chris.
Sa kanyang latest Instagram post, lubos na nagpasalamat si Garrett sa kanyang Miss Saigon experience, “What a great journey. Thank you Miss Saigon Guam for this amazing opportunity. I will bring home all the learnings and memories to the Philippines with pride and joy.
“To “John Thomas”, it’s such a blessing to tell your story in Guam, I’m gonna miss portraying you. To my co-actors and our staff, I’ll never forget your support and kindness. And Lord, I am grateful to you for giving me this chance to explore and mold my talent outside of my comfort zone. Praying for my next theater project.”
Ipinakita ni Garrett ang kanyang husay sa pagkanta hindi lamang sa telebisyon, kundi pati na rin sa teatro. Kaya naman, hinangaan at pinalakpakan nang husto si Garrett ng mga nanood sa kanyang performance sa Miss Saigon.
“One of my favorite performances in the show! Gave me the chills! Bravo!” komento ng isang supporter ni Garrett.
Dagdag ng isa, “My friends who watched the last show were so amazed when they heard you sing!! They said you gave them goosebumps! Lol. Congrats Garrett!”
***
PARA sa first anniversary presentation ng Regal Studio Presents ngayong September, ang kanilang unang handog ay isang romantic-musical-drama titled “Love Your Beat” na pagbibidahan nina Lianne Valentin at Carlo San Juan.
Sa naturang episode na eere na sa September 11, gaganap si Lianne bilang Det, isang singer na nadurog ang puso dahil sa isang failed relationship. Si Carlo naman ay si Ian, ang kapalit na gitarista ng banda kunsaan dating miyembro ang ex-boyfriend ni Det.
Ibang-iba ang role na ito kay Lianne bilang singer after ng kanyang breakthrough role as the mistress Stella sa nagtapos na top-rating afternoon series ng GMA na ‘Apoy Sa Langit’.
Isa nga raw sa talento ni Lianne noong bata pa siya ay ang kumanta at maipapakita niya ito sa RSP.
“I love to sing. Hindi lang ako masyadong ma-post sa social media accounts ko ng pagkanta ko. Noong nalaman ko na may kanta itong episode, sobrang thrilled ako. Sana masundan pa ng mga ganito na may singing,” sey ni Lianne sa naganap na Zoom mediacon.
Inamin ni Lianne na hindi raw madaling kumawala sa kanyang character na si Stella dahil ilang buwan din daw niyang dinala iyon. Kaya kailangan niyang gumanap sa ibang characters para maipakita niya ang kanyang pagiging versatile actress.
Ang former Mr. Pogi naman na si Carlo ay first time din na ilalabas ang talento sa pag-awit at isa rin daw siyang bad boy sa episode na first time niyang gagawin.
“Napakaganda po ng role na binigay sa akin. Tulad po ng role ko sa Daddy’s Gurl, saka ‘yung mga natatangap ko pong ibang role na kuwela, kilig, ito po, bad boy po ako dito.
“Dito po sa episode namin ni Lianne, masho-showcase ko din po ‘yung talent ko in singing and also pagpe-play ng guitar.”
Isa pa sa ikinatuwa ni Carlo ay ang magandang chemistry nila ni Lianne noong mag-taping sila.
“Excited na rin po akong mapanood ito kasi sa set pa lang po, sinasabi na din po sa amin na ang ganda po ng chemistry namin ni Lianne.
“Nafi-feel ko din po ‘yun sa set kaya very excited po ako ngayong sa story po naming dalawa,” sey ni Carlo.
***
MULING tinigil ni Justin Bieber ang kanyang ‘Justice Tour’ dahil sa health issues.
Isinapubliko noong June ng 28-year old Canadian popstar na na-diagnose siya with Ramsay Hunt Syndrome na nagdudulot ng partial facial paralysis.
Pero nakabalik ulit si Bieber pagkatapos ng isang buwang pahinga at ginawa niya ang anim na live shows sa Europe at nitong huli ay sa Rio festival in Brazil.
Muling nakaramdam ng exhaustion ang singer kaya muli niyang inisip ang kanyang kalusugan, kaya ititigil muna niya sa ikalawang pagkakataon ang kanyang tour.
“This past weekend I performed at Rock in Rio and I gave everything I have to the people in Brazil. After getting off stage, the exhaustion overtook me and I realized that I need to make my health the priority right now.
“So I’m going to take a break from touring for the time being. I’m going to be OK, but I need time to rest and get better. I’ve been so proud to bring this show and our message of justice to the world,” post na mensahe ni Bieber sa kanyang IG account.
Dahil sa estado ng kalusugan ng singer, hindi pa alam ng producers kung kelan mag-resume ang tour nito na naka-schedule pa sana hanggang March 2023. Kasama nga ang Pilipinas sa dapat na puntahan ni Bieber, pero mukhang made-delay ulit ito.
Hindi kasi basta-bastang sakit lang ang Ramsay Hunt Syndrome dahil bukod sa facial paralysis, nagiging cause din ito ng hearing loss.
(RUEL MENDOZA)
-
8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist
HINDI umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon. Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas. […]
-
Ads January 27, 2024
-
Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’
MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini. Caption ni Kris, “Same fit but add another […]