• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AL passenger mula Pilipinas unang monkeypox case ng Hong Kong — airline

KINUMPIRMA  ng Philippine Airlines na mayroong monkeypox ang isa sa kanilang mga pasahero, na siyang nagtungo sa Hong Kong at naging unang kaso roon.

 

 

Martes lang nang mai-record ang unang kaso ng monkeypox sa naturang Chinese territory, na siyang nakita sa isang 30-anyos na lalaking nagpakita ng sintomas habang naka-hotel quarantine.

 

 

“We were advised that one of our passengers on our PR300 flight last 05 Sept 2022 from Manila to Hong Kong was reported to have a case of monkeypox,” ani Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, Miyerkules.

 

 

“In line with international health protocols, we have coordinated with the health authorities in Hong Kong and sharing relevant manifest information. We have communicated to the Philippine Department of Health about the said case.”

 

 

Ilang araw nang hinihingian ng pahayag ng reporters ang DOH patungkol sa naturang kaso, ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon.

 

 

Inabisuhan na raw ng airline ang kanilang mga pasaherong nakaupo malapit sa nasabing traveler na nahawaan ng monkeypox.

 

 

“Despite the relatively low risk of getting infected, passengers on this flight are advised to monitor their health condition and requested to seek medical attention if they are experiencing symptoms,” sabi pa ni Villaluna.

 

 

“They can contact the Centre for Health Protection (CHP) of the HK Department of Health (DH).”

 

 

Sa ulat ng AFP, sinabing dumating ng Hong Kong ang naturang kaso at agad na dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam, ayon sa health official na si Edwin Tsui.

 

 

Aniya, malaking panahon ang ginugol ng naturang pasyente sa Estados Unidos bago pumunta sa Canada ng isang linggo.

 

 

Nagtungo naman siya sa Pilipinas bago tuluyang lumapag sa Hong Kong.

 

 

Itinuturing siya ngaying imported case at hindi nagkaroon ng contact sa komunidad, dahilan para sabihing “very low” ang tiyansang maipasa ito sa mga lokal. Wala pa namang natutukoy close contacts sa ngayon.

 

 

Ilan sa mga sintomas na kanyang ipinakita ay skin rashes, namamagang kulani at pananakit ng lalamunan bago maospital.

 

 

Matatandaang umabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, ang ikaapat sa kanila ay sinasabing walang travel history sa mga bansang nakakitaan ng nakamamatay na sakit. Ang ilan sa mga naunang monkeypox case ng Pilipinas ay gumaling na.

 

 

Hindi ito tulad ng COVID-19 na kumakalat sa hangin. Dagdag pa nila, kadalasa’y “mild” ang sintomas ng monkeypox at bibihirang makamatay — pero nangyayari pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit

    DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas.     “The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez. […]

  • Na-sad din sa last shooting day ng MMFF movie: SHARON, sobrang na-touch sa pagiging thoughtful ni ALDEN

    SOBRANG na-touch si Sharon Cuneta sa ka-sweet-an ni Alden Richards.   Sa last shooting day ng kanilang MMFF entry na ‘A Mother and Son’s Story,’ binigyan ni Alden si Sharon ng white orchids.   Mababasa sa kanyang sweet message sa kasamang card…   “Mama, “It’s our last day… I’m very blessed have known you. “Thank […]

  • ‘Ngipin sa pagpatupad ng SIM registration law, susi vs online fraud’

    ANG Subscriber Identity Module (SIM) registration ay nagtutukoy lamang ng pagkakakilanlan ng may-ari ng SIM cards upang matiyak ang pagtunton sa mga dapat papanagutin kapag ginamit ang mga ito sa paggawa ng cybercrimes.     “And it is only the first step towards an intricate and highly technical approaches which aimed at curbing online scams,” […]