• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibabahagi sa mga fans ang kanyang 35 taong paglalakbay: ICE, sobrang excited sa first major solo concert after ten years

SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin.

Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng ins and outs ng industriya ngunit ng kanyang sarili na rin.

Sa Oktubre 15 (8:00 p.m.), dadalhin tayo ni Ice sa isang musical at visual journey ng kanyang ebolusyon. Magaganap ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert sa The Theater at Solaire from 8:00 p.m. onwards. Sinusundan ng milestone event na ito ang 10-year hiatus ni Ice sa major concert stage matapos ipagdiwang ni Ice ang kanyang ika-25 na anibersaryo.

Ang Fire and Ice Media and Productions, Inc., na production company ni Ice kasama ang kanyang misis na si Liza Diño ang prodyuser ng show sa pakikipagtulungan sa Nathan Studios. Siya rin ang stage director kasama ang musical director na si Ivan Lee Espinosa.

“Sobra akong excited na mag-major solo concert ulit after ten years. Miss na miss ko ang energy, ang emotions, and ang mga tao na nakaka-appreciate sa experience ng isang live event.

“‘Becoming Ice’ is very personal to me because this is the first time that I’m going to do a major concert as Ice Seguerra. At masaya ako na maibabahagi ko ang 35 years journey ko sa aking mga fans,” sabi ni mahusay na mang-aawit.

Love letter ni Seguerra ang concert na ito sa kanyang mga tagahangga at mga taga-suporta na talaga namang nanatiling loyal sa kanya sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan sa kanyang karera.

Aawitin niya soundtrack ng ating mga buhay sa kanyang mga phenomenal hits gaya ng “Pagdating ng Panahon,” “Anong Nangyari sa Ating Dalawa,” at madami pang iba. Ipinapangako din ng multi-platinum artist ang isang gabi ng reminiscence, nostalgia, at feel-good vibes.

Ang mga tiket sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ay mabibili sa TicketWorld. Ang mga presyo nito ay Php7,200.00 para sa SSVIP; Php6,100.00 para sa SVIP; Php5,000.00 para sa VIP; Php4,650.00 para sa Gold; Php3,350.00 para sa Lower Box; at Php2,250.00 para sa Upper Box seats.

Ang “Meet and Greet Package” para sa SSVIP tickets ay may eksklusibong meet and greet kasama si Seguerra na may kasamang personal na selfie at eksklusibong Becoming Ice merchandise item, habang ang SVIP at VIP tickets naman ay mayroong eksklusibong Becoming Ice merchandise item.

Samahan natin si Ice Seguerra habang binabahagi ang kanyang 35 na taong paglalakbay – ang highs at ang lows at everything in between – at diskubrihin kung paano niya nakamit ang kanyang tunay na pagkatao.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Construction ng $11 B Sangley airport deal nakuha ng Yuchengco lead-group

    ISANG consortium na pinangungunahan ng Yuchengco Group kasama ang Cavitex Holdings at grupo ni Lucio Tan sa ilalim ng MacroAsia Corp. ang nakakuha para sa pagtatayo ng $11 billion na Sangley Point International Airport (SPIA).   Nakuha ng consortium kasama ang mga foreign partners nito mula sa provincial government ng Cavite ang notice of award […]

  • Panukalang gawing heinous crime ang EJK, isinulong

    ISINULONG ng mga mambabatas na iklasipikang heinous crimes ang extrajudicial killings (EJKs) sa kamara.   Nakapaloob ito sa House Bill (HB) No. 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act, na inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Quad Committee co-chairmen Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido “Benny” Abante, Dan Fernandez […]

  • Tiktok serye na ’52 Weeks’ wagi sa Hashtag Asia: KYCH at MICHAEL, maghahatid ng kilig sa unang BL series ng Puregold

    PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold.     Nitong mga nagdaang […]