• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021

ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021.

 

 

Sinabi ni PopCom executive director,  Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat  ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.

 

 

Noong nakaraang taon naman  ay nakapagtala ng 2,700 deaths daily.

 

 

Base sa kanyang pansariling obserbasyon at pag-aanalisa  sa nakalipas na mga taon, sinabi ni Perez na mayroong isa hanggang limang porsiyento ang itinaas sa mortality rate sa normal years subalit noong taong 2021,  ang pagtaas ay lumobo sa 43% kumapara sa taong  2020.

 

 

“Translated into figure, the reported death in 2021 is 265,493 higher than in 2020 which recorded a total of 613,936 deaths,” ayon kay Perez.

 

 

” It was in September which had the most number of deaths in 2021 when a total of 119,758 Filipinos perished—which means that 3,992 Filipinos died daily in that month or almost three deaths per minute,” dagdag na pahayag nito.

 

 

May kabuuang 146,137 naman ang namatay dahil sa Covid-19.

 

 

“In 2020, there were 30,188 Covid-related deaths reported in the country. In 2021, it ballooned to a total of 105,723.

 

 

From January 1 to May 21 in 2022, a total of 10,226 Covid-related deaths were already reported,” ayon sa ulat.

 

 

Sinabi ni Perez  na ang  Covid-19  ang itinuturing na “major factor” sa  labis-labis na mortality  sa bansa noong 2021.

 

 

Samantala, ang mga namatay naman dahil sa malnutrisyon ay tumaas ng 47%.

 

 

Bago pa pumutok ang Covid-19 sa bansa,  sinabi na ng PopCom  na ang mataas na “excess mortalities” ay dahil sa  health-related matters.

 

 

Kabilang dito ang  “heart attacks, cerebrovascular disease or referred to as strokes, diabetes at hypertension.”

 

 

“Many of the diseases that caused increased mortality are preventable at the primary level of care, but the health system was not flexible enough to treat and care for both COVID and non-COVID patients,” ayon kay Perez.  (Daris Jose)

Other News
  • Sahod ng kasambahay sa NCR, abot na sa P6K/buwan

    AABOT na sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila.     Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon.     Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III […]

  • Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!

    TINAPOS ng University of the Philippines Figh­ting Maroons ang kanilang 36-taong pagkauhaw sa korona matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa overtime, 72-69, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball championship kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Hinirang na bayani si guard Joel Cagulangan na nagsalpak ng three-point shot […]

  • Ads November 21, 2020