• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P936 MILYON NA ASUKAL, NATUKLASAN SA BODEGA SA BULACAN

NAGSAGAWA ng inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang ahensya ng gobyerno ang ilang warehouse sa Meycauayan Bulacan nitong Huwebes

 

 

Naglabas ang BOC  ng siyam na Letter of Authority at Mission Orders laban sa mga may-ari, kinatawan, o sinumang may hawak ng mga imported na kalakal na nakaimbak sa mga bodega.

 

 

Natuklasan sa isinagawang inspeksyon ang 11,717 sako ng local sugar na may assorted brnads at 50,182 sako ng  Mithr Phol Pure Refined Sugar mula Thailand sa B3L5 Kendex Drive, Polyland Industrial Subdivision; at 60,876 sako ng imported na assorted brands mula Thailand sa Edison Lee Mktg Dazo Compound.

 

 

Gayundin ang  1,860 sako ng Mithr Phol Pure Refined Sugar mula sa Thailand ang natagpuan sa Olympia Street, Sterling Industrial Park; habang 62,734 locally produced na asukal  na may iba’t ibang tatak, gayundin ang mga kitchenware at GM na produkto, ay natagpuan sa Copper Street, Muralla Industrial Park.

 

 

Tinatayang nasa P936 milyon ang halaga ng kalakal na natagpuan sa mga bodega ng asukal

 

 

Ang mga kinatawan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay hindi nakiisa sa pagpapatupad ng mga LOA ngunit naroroon sila sa panahon ng imbentaryo upang matukoy kung ang mga lokal na nakaimpake na asukal ay talagang lokal na ginawa dahil sa mga ulat ay nagsasaad na ang nasabing smuggled na asukal ay nire-repack upang maging lokal na produkto.

 

 

Binigyan naman ng BOC ang mga may-ari o kinatawan ng mga bodega ng 15 araw upang magprosinta Ng dokumento bilang patunay na ang kanilang kalakal ay legal na inimport sa bansa.

 

 

Patuloy namang binabantayan ang mga bodega habang nakabinbin ang pagsusumite ng mga dokumento.

 

 

“We have to be on our toes 24 hours 7 days a week. You will see that our teams have been operating round the clock, even on weekends. This shows the determination of this administration in making accountable the groups that could be helping this sugar crisis blow out of proportion,” sabi ni  Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

 

 

Ang operasyon ay bahagi ng marching order sa Bureau of Customs ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang siyasatin ang mga bodega na sinasabing nag-iimbak ng asukal sa gitna ng krisis sa suplay ng asukal sa bansa.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads August 21, 2024

  • Pedicab driver todas sa motor sa Navotas

    NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper.     […]

  • 82% ng Pinoy tiwalang ‘kapanipaniwala’ 2022 elections — Pulse Asia

    NANINIWALA ang karamihan ng mga Pilipinong “tumpak” at “kapani-paniwala” ang naging resulta ng katatapos lang na May 2022 national elections, paglalahad ng Pulse Asia Research sa panibago nilang pag-aaral.     Ito ang lumalabas sa kanilang Ulat ng Bayan survey na ikinasa mula ika-24 hanggang ika-27 ng Hunyo, bagay na inilabas sa media ngayong Lunes. […]