• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom, bumaba – SWS

BUMABA  ang bilang ng pamilyang Pinoy na nakakaranas ng gutom sa bansa sa ikalawang bahagi ng taong 2022.

 

 

Batay sa ulat ng Social Weather Stations (SWS), mula sa dating 3.1 milyon noong 1st quarter ng 2022 ay na­ging 2.9 milyong Pinoy na lang ang nakakaranas ng involuntary hunger o hindi nakakakain ng kahit isang beses sa isang araw, sa nakalipas na buwan.

 

 

Ang hunger rate noong Hunyo 2022 ay nasa 0.6 puntos na mababa sa 12.2% o nasa 3.1 milyong pamilya noong Abril 2022, at 0.2 puntos na mas mababa sa 11.8% o 3.0 milyon, noong Disyembre 2021.

 

 

Gayunman, ito ay mas mataas ng 1.6 puntos sa 10% o nasa 2.5 milyong pamilya noong Setyembre 2021.

 

 

Mas mataas pa rin ito ng 2.3 puntos sa pre-pandemic annual average na 9.3% noong 2019.

 

 

Pinakamaraming nakaranas ng gutom sa mga pamilya mula sa National Capital Region (NCR) na nasa 14.7%.

 

 

Sinundan naman ito ng Mindanao (14.0%), Balance Luzon (11.9%), at Visayas (5.7%).

 

 

Kaugnay nito, natuklasan din sa survey na 48% ng mga pamil­yang Pinoy ang nagsabi na sila ay “mahirap” o “poor”, 31% ang nasa “borderline poor,” at 21% ang “hindi mahirap” o “not poor.”

 

 

Pagdating naman sa mga uri ng pagkain na kanilang kinakain, sinabi rin sa survey na 34% ang nagsabing sila ay “food-poor,” 40% ang “borderline food-poor,” at 26% ang “not food-poor.”

 

 

Nabatid na ang naturang survey ay nilahukan ng 1,500 adults at isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang adopsyon ng Nat’l Cybersecurity Plan 2023-2028

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa. Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications […]

  • Gilas Pilipinas nasa Bahrain para sa FIBA Asia qualifiers

    Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.   Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino.   Tiwala […]

  • MAX, kinumpirmang legally separated na sila ni PANCHO

    “WE’RE legally separated na. Yes, it’s official na. Yes, we are already,” pagkumpirma ni Kapuso actress Max Collins sa status nila ng ex-husband nq si Pancho Magno.   Ayon kay Max, naaprubahan sa Amerika ang diborsyo nila ni Pancho noong isang buwan.   Isang American citizen si Max kaya maaari siyang magsampa ng divorce.   […]