• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,450 TRAINEES NG COAST GUARD, NANUMPA

SABAYANG  nanumpa sa Coast Guard Fleet Parade  Ground ngayong araw ang 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

” Thank you for choosing to be one with our noble cause.You have my respect” , mensahe ni PCG  Commandant, CG Admiral Artemio M Abu .

 

 

Sa bilang na ito, 1,283 ang kalalakihan (88%), habang 167 naman ang kababaihan (12%).

 

 

Ayon kay CG Admiral Abu, ito na ang pinakamalaking oath-taking ceremony ng mga enlisement trainees sa kasaysayan ng PCG.

 

 

“Being a Coast Guard is not for everyone. It is for those with a brave soul and a mind of steel, but at the same time possess a tender heart. It is for those who truly love the country and are genuinely committed to public service,” ani CG Admiral Abu.

 

 

Kinilala rin ng Komandante ang pagsasakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga anak na ngayon ay naghahanda sa pagiging opisyal na lingkod bayan.

 

 

“I also wish to express my gratitude and congratulate your parents for raising such commendable individuals, and for supporting you in this endeavor,” pahayag niya.

 

 

Samantala, idiniin ni CG Admiral Abu ang responsibilidad na nakaatang sa mga trainees sa oras na maisuot nila ang uniporme ng isang Coast Guard personnel.

 

 

“I trust that you will continue our tradition of service, integrity, and excellence. I expect no less than your commitment and dedication to our mission, not just for your career growth, but also for the organization and the Filipino public that we seek to serve,” ayon sa Komandante.

 

 

“Our members are bound by a common mission to save lives, ensure safe maritime transport, and secure the Philippine maritime jurisdiction. We do not share the same roots, but come hell or high water, we stand by each other, fight for the same cause, and get through the challenges together — that alone makes us a family,” pagtatapos niya.

 

 

Ang malawakang recruitment ng PCG ay bahagi ng komprehensibong modernization program ng organisasyon.

 

 

Sa pagdating ng mga karagdagang barko, air assets, at iba pang makabagong kagamitan, kinakailangan din ng PCG ng mga lingkod bayan na tutulong sa pagtupad ng mga mandato nito sa sambayanang Pilipino. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Sim cards, obligado nang iparehistro

    GANAP  nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang.     Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas.     Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam […]

  • Ads November 13, 2024

  • Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

    PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.       Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]