• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DALAGITA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Cavite police upang matukoy at maaresto ang pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng umaga. 

 

 

Apat na mga kalalakihan ang persons of interest ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, 16, isang Grade 9 student at residente ng Trece Martires City, Cavite.

 

 

“Yung apat na menor de edad na naunang persons of interest ay pinakawalan na namin  dahil wala namang maiuugnay sa kanila, pero meron kaming apat na bagong mga persons of interest na mga kalalakihan”.  ayon kay  Lt Col. Jonathan Asnan, Hepe ng Trece Martirez CPS sa panayam.

 

 

Dagdag pa ng Hepe na mga nag-iinuman umano ang mga ito noong Linggo ng gabi hanggang inumaga na ng umuwi. Hindi na nakikita ang mga ito na pawang sinasabing mga  mga dayong obrero.

 

 

Sa ulat ng pulisya, alas-10:35 Lunes ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil  sa isang bangkay na natagpuan  sa Forever bridge sa Package 2, Sunshine  Ville Subdivision , Brgy Cabuco, Trece Martires City, Cavite. May sugat sa ulo at leeg ang biktima.

 

 

Ayon sa ama ng biktima, umalis  si Angel dakong alas 10:00 Linggo ng gabi pero upang katagpuin ang mga kaibigan nito at hindi na rin ito nakabalik hanggang sa natagpuan itong patay  kinabukasan.

 

 

Nagsasagawa naman ng autopsy at genital examination sa  biktima kung ito ay ginahasa.

 

 

Agad namang ipinag-utos ni Cavite Police Provincial Office (CPPO), Officer-in-charge  Police Colonel Christopher Olazo sa hepe ng Trece Martires COPS ang manhunt operation at agarang pag-aresto sa suspek. (Gene Adsuara)

Other News
  • Masayang-masaya ang bonding moment ng mag-ama: JENNYLYN, naging emosyonal habang bini-video sina DENNIS at BABY DYLAN

    NAGING emosyonal si Jennylyn Mercado habang bini-video ang muling pagkikita ng kanyang mag-amang sina Dennis Trillo at Baby Dylan.     Nauna na kasing pumuntang Las Vegas si Jennylyn at Baby Dylan para magbakasyon. Sumunod naman si Dennis sa Amerika matapos ang taping nito para sa ‘Maria Clara at Ibarra’.     Sa isang Instagram video […]

  • Infected ng COVID sa buong mundo, 18.6-M na – reports

    Umaabot na sa 18,691,686 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.   Sa nasabing bilang, 6,013,637 (99%) ang nasa mild condition at 65,437 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.   Habang ang mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 703,374.   Samantalang ang mga gumaling ay 11,909,238, matapos ang […]

  • Ads October 20, 2021