• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule

PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.

 

 

Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya ng buong suporta sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 3 na nag-aalis na ng mandatory face mask use sa outdoor settings o sa mga lugar na may magandang bentilasyon.

 

 

Sinabi ng kalihim na dapat na pangunahan ng LGUs ang pagtiyak na tumatalima ang mga mamamayan sa indoor at public transport face mask rule sa kani-kanilang nasasakupan.

 

 

Inatasan na rin umano ni Abalos ang Philippine Natio­nal Police (PNP) na tulungan ang LGUs sa pagtiyak na ang indoor at public transport face mask rule ay inoobserbahan ng mga mamamayan.

 

 

Hinikayat din naman ni Abalos ang mga high-risk individuals, o yaong senior citizens, immunocompromised individuals, at mga hindi pa fully vaccinated, na magsuot pa rin ng face mask at obserbahan ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, ginagalang ang desisyon ng Comelec sa kandidatura ni Marcos

    GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpalabas ng dessoyon ang COmelec sa naturang usapin. […]

  • “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” OPENS AT NO.1 IN U.S. WITH $21-M

    AUGUST 22, 2022 — Dragon Ball Super: SUPER HERO topped the U.S. box office in its opening weekend, shattering expectations by summoning an impressive $21 million in North American ticket sales. The anime film is being distributed in North America by Crunchyroll, which specializes in anime film and television. “We’re absolutely thrilled that ‘Dragon Ball’ fans could […]

  • PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso

    PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon  ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa  dahil sa kasong droga.     “We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a […]