PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno
- Published on September 15, 2022
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.
“I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, kay Toni Gonzaga sa isang sit-down interview.
“Marami naman doon sa malakaking korporsayon, meron na silang rice allowance. So we’ll institutionalize it,” dagdag na pahayag nito.
Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang bigas ay “bought by and from the government” upang matiyak ang murang halaga ng kalakal.
Samantala, nang tanungin naman ukol sa kanyang campaign promise na gagawing ₱20 kada kilo ng bigas,
“Everything’s possible. You just have to work very hard at it and be clever about it and come up with new ideas,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)
-
Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill
HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig. Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa […]
-
Pinas, iginiit ang karapatan na mag-patrol sa Scarborough Shoal sa gitna ng panibagong akusasyon ng Tsina
MAY karapatan ang Pilipinas na mag-patrol sa Scarborough Shoal matapos akusahan ng Tsina ang Philippine military ship ng ilegal na pagpasok sa nasabing lugar. Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang ginagawa ng China ay“overhyping” ang insidente at pinaiinit lamang ang tensyon sa Pilipinas. “Under international law, the Philippines has every right to […]
-
PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang economic recovery post-COVID-19 ng bansa. Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado, sa mga opisyal ng FFCCCII sa Malacañang […]