• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.

 

 

Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o 75,000 MT, ay ilalaan sa industrial users o mga kompanya na gumagamit ng asukal sa kanilang  manufacturing process, habang ang kalahati ay ibibigay sa mga consumers o sa pamilihan.

 

 

“After due consultation, the Stakeholders of the Sugar Industry have submitted their respective positions and letters of endorsement recognizing the need for an importation program for the crop year 2022 to 2023,” ang kautusan ay tinintahan ni Pangulong Marcos,  Department of Agriculture at mga opisyal ng SRA noong Setyembre  13.

 

 

“After taking into consideration all comments, inputs, and information, the SRA deems it necessary to adopt additional, responsive, and pre-emptive measures to ensure domestic supply and manage sugar prices in order to achieve the foregoing policy declarations through timely government intervention by way of importation in order to maintain a balanced supply and demand of sugar for domestic consumption,” dagdag na pahayag ng SRA.

 

 

Sinabi pa ng SRA  na magsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa importasyon ng asukal, tatlong araw matapos na maging epektibo ang naturang kautusan.

 

 

Bago pa ang  Sugar Order No. 2,  nahaharap na sa kontrobersiya ang sugar importation matapos na ipatigil ni Pangulong Marcos ang  Sugar Order No. 4 ng SRA.

 

 

Ang Sugar Order No.4 ay nilagdaan “on President’s behalf” at may mandato na umangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa gitna ng  napipintong kakapusan sa suplay ng asukal.

 

 

Matatandaang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.

 

 

Ang nasabing resolusyon na walang pahintulot ng Pangulo ay naka-upload sa website ng SRA.

 

 

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin. (Daris Jose)

Other News
  • ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City

    ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City na nasira ng mga barkong dumikit dito dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Kristine. Ayon kay Mayor Tiangco, ipapa-assess ang damage dito para mapaayos ng mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga barko.     Hinihintay nalang aniya na tumaas […]

  • Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

    IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.     “As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members […]

  • ‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections

    PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC).     Idagdag pa sa mata­gumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]