• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: EDSA busway binigyan ng P212 M budget para sa modernization

GAGASTUSAN  sa darating na taon ng Department of Transportation (DOTr) ang modernization ng EDSA busway na nagkakahalaga ng P 212 million.

 

 

 

May mga mungkahi na dapat ng ibigay sa pribadong sektor ang pangangalaga ng EDSA busway subalit walang resolusyon na inilalabas pa ang DOTr para sa pagsasapribado nito.

 

 

 

Gagamitin ang nasabing pondo sa pagbili at paglalagay sa EDSA busway ng karagdagan traffic signals, security at janitorial services. Kasama rin sa pondo ang pagkakabit ng karagdagan station timers na siyang magbibigay ng signal sa mga drivers kung gaano sila dapat tumatagal sa isang istasyon.

 

 

 

Napag-alaman ng DOTR na ang pagsisikip sa EDSA busway at pagkakaroon ng mahabang pila ay ang pagtatagal ng mga buses sa mga designated na istasyon at bus stops.

 

 

 

Ang pamahalaan sa ilalim ng DOTr ay gumastos ng kabuuang P738 million para sa development at improvement ng EDSA busway.

 

 

 

Noong 2020, gumastos ang ahensiya ng P155 million upang ibili at ilagay ang 36,000 concrete barriers upang magkaroon ng exclusive lane ang mga buses sa EDSA.

 

 

 

Gumastos din ang DOTr ng P33 million para sa civil works ng mga naunang istasyon noong 2020 at P77 million naman para sa karagdagang istasyon noong 2021. Ganon din noong 2020, nakakuha ng pondo ang DOTr para sa pagtatayo ng isang project management office na nagkakahalaga ng P473 million upang ito ang mamahala sa nasabing proyekto.

 

 

 

“We also deployed the financing for retrofitting of existing stations, such as the expansion of stations and installation of lifts, CCTV, solar panels and bus times,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Sa ngayon, ang EDSA busway ay maaaring magkaroon ng 550 units kung saan maaaring makadaan sa exclusive lane ang mga buses. Naitalang may 335,471 na mga commuters ang nabigyan ng serbisyo ng EDSA busway.

 

 

 

Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may plano ang ahensiya na dagdagan pa ng 100 units ang gagamit ng EDSA busway upang maging 650 ang kabuuang bus units na gagamit nito. Magkakaroon naman ang DOTR ng expansion project sa EDSA busway upang itaas ang passenger capacity nito sa 500,000 kada araw.

 

 

 

Sumangayon naman si Bautista na kailangan ngayon pa lang ay pag-aralan na at magkaroon ng negotiation sa pribadong sektor ang pamamahala ng EDSA busway sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) upang makamtan ng mga pasahero ang mas angat na serbisyo.

 

 

 

“The result of this possible joint venture could serve as a prototype for other PPP endeavors in various modes of transport,” dagdag ni Bautista.  LASACMAR

Other News
  • SHARON, nanawagan na sa mga producers and directors; ‘dream project’ with MARICEL, maisipan sanang gawin ni Direk DARRYL

    NAGPAHAYAG ng saloobin si Megastar Sharon Cuneta niya ngayon na gustung-gusto niyang gumawa ng movies, dahil nasa ‘movie mode’ siya.     Sa IG post niya, “I am nowadays restless and impatient – because I JUST WANT TO MAKE MOVIE AFTER MOVIE AFTER MOVIE!!! I’m in movie mode now. I have my “seasons.”     […]

  • Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH

    WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.   Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account.   “It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I […]

  • P11.5 bilyong One COVID-19 allowance, inilabas ng DBM

    INAPRUBAHAN  ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyon para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mahigit sa 1.6 milyong kwalipikadong public at private health care at non-health care workers (HCWs).     Sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang hindi napondohang OCA/HEA claims ng mga health […]