214 Bulakenyong naghahanap ng trabaho, hired on the spot sa TNK Fiesta Caravan
- Published on September 16, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daan at labing-apat na Bulakenyo ang pumunta na naghahanap ng trabaho at umuwi na may sigurong hanapbuhay sa kanilang pagkaka-hired on the spot sa ginanap na Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair Local and Overseas Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Martes.
Pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 53 lokal at apat na overseas na employers na sumama sa job fair sa pagbibigay ng pagkakataon sa 2,946 na nagparehistrong Bulakenyo na makuha ang kanilang pangarap na trabaho.
Ibinahagi rin niya na mga aplikanteng Bulakenyo ang uunahin sa mga trabahong dala ng mga malalaking proyekto sa lalawigan kabilang ang Bulacan airport at ang Mega City sa Pandi, Balagtas, at Bocaue.
“Kasabay ng mga parating na mga developments ang pagdating din ng mga trabaho para sa mga Bulakenyo. Huwag po tayong masiraan ng kalooban. Laban lang po tayo. Pasasaan ba at makakaraos din tayong lahat,” anang gobernador.
Nangako rin si Fernando na patuloy na magsasagawa ng buwanang job and livelihood fair ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office upang makatulong sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho.
Samantala, umiiyak na nagpasalamat sa iQor, isang kumpanyang BPO, si Jhonavie Pagtalunan, isang dating scholar ng Pamahalaang Panlalawigan at undergraduate ng Theater Arts, sa pagtanggap sa kanya sa trabaho sa mismong araw na iyon.
“Malaking tulong po ito sa family ko, para sa mga medical bills nila. It will also help me para ma-boost pa ‘yung confidence ko and ‘yung English ko,” ani Pagtalunan.
Ilan sa mga industriya na nag-alok ng mga bakanteng trabaho sa mga Bulakenyo ang logistics, Business Processing Outsourcing, whole at retail trade, construction, consumer goods, sales at marketing, automative sales and services, security services, transportasyon, water industry, information technology, janitorial services, edukasyon, health and wellness, finance industry, food industry, at manufacturing.
Maliban sa mga inaalok na trabaho, nagkaroon din ng one-stop shop ang mga ahensyang nasyunal upang tulungan ang mga aplikante sa pagsasaayos ng mga kinakailangan nilang dokumento kabilang ang SSS, NBI, Philhealth, PSA, BIR, DTI, DOLE, TESDA, DMW, POEA, at OWWA.
-
Bukod sa pagiging isa sa leading man ni Kylie: JAK, napiling gumanap sa true story ni Billiard Champ JOHANN
SURPRISED and thankful si Kapuso actor Jak Roberto sa magkasunod na project na ginawa niya sa GMA Network. Sa Monday, May 30, ang world premiere ng sports drama series na Bolera nila nina Kylie Padilla at Rayver Cruz, pero ngayong gabi, mauunang mapanood si Jak sa Magpakailanman ni Mel Tiangco, sa episode na […]
-
Klase sa public schools sa Agosto 29 na
PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023. Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda […]
-
SSS calamity assistance sa ‘Paeng’ victims, binuksan na
BINUKSAN na kahapon ng Social Security System (SSS) ang aplikasyon para sa calamity assistance ng mga miyembro at pensioners nito na nasalanta ng bagyong Paeng. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino, ang SSS Calamity Assistance Package ay kabibilangan ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]