Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant
- Published on September 17, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.
Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi ng height niya, wala siyang inuurungan, basta siya maka-deliver, okey lang sa kanya.”
“Si Buboy kasi, nasanay nang tanggapin kahit anong pagsubok sa buhay, simula pa noong bago pa lamang siya nagsisimula sa showbiz.”
“At ang gusto ko kay Buboy, marunong siyang magpasalamat at hindi niya nakakalimutan ang mga taong tumutulong sa kanya.”
At kung meron palang isang taong labis niyang pinasasalamatan, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera iyon, na nagsimula pa nang una silang nagkasama sa “Dyesebel.”
“Kung hindi po dahil sa kanya at kay Direk Joyce Bernal, sa pagtitiwala nila sa akin, hindi po mabubuo itong si Buboy,” sabi ni Buboy.
“Kaya thank you Ate Yan, sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko, kasi ikaw yung naging ate ko noon. Lalo na ngayon, magkumare pa kami, ninang siya ng pangnay kong si Vlanz.
“From mag-ate to mag-kumare, na kami ngayon. Hindi ko malilimutan na basta may project siya, niri-request niya akong makasama. Kaya nagkasama rin kami sa “Amaya” at “Super Inday.”
Hindi rin ikinaila ni Buboy na nagsimula siya as a “mangangalakal” para may pang-bigas.
“Lahat ng ginagawa ko, pangkain para sa pamilya ko. Iyon ang naging gasoline ko para maka-move forward kung ano po ang pwede kong gawin para sa pamilya ko.”
Kaya naman hindi siya nawawalan ng project sa GMA, wala kasi siyang tinatanggihang roles, kahit ano, gagawin niya.
Kaya for Buboy, God bless you and your children!
***
MAY mga nagtaka kay Herlene Budol at may mga nagalit din sa kanya at sinabihan pa siyang wala utang na loob kay Willie Revillame, nang hindi niya tinanggap ang offer na maging isa sa talents ng AllTV ng mga Villar.
May nagsabi pang nagtampo raw si Willie, nang tumanggi si Herlene. Pero may mga nauna na palang commitments si Herlene. Isa rito ang patuloy niyang pagsali sa mga beauty pageants, at paalis na rin siya para sa isa pang beauty pageant, na nangako siyang magsasama ng interpreter dahil sa Tagalog siya sasagot, hindi siya marunong mag-English.
Nauna nang tinanggap ni Herlene ang offer ng GMA Network na gumawa ng isang teleserye. Noon pa naman kasi, ay talagang sa GMA-7 na gumagawa ng shows si Herlene, at nagbida nga siya sa life story niya sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.
Kaya malamang pagbalik ni Herlene from the beauty pageant, sisimulan na niyang mag-taping ng kanyang first teleserye sa GMA.
***
STILL on AllTV, sa January 2023 pa pala magpu-full-blast ang AMBS ni Manny Villar.
Inamin nilang mahirap ang nagsisimula, lalo ngayong nakapag-soft opening na sila last September 13, nakita nilang mas marami pa silang dapat pag-aralan at ayusin.
Naghahanap pa rin sila ng mga bagong artistang magsisiganap sa gagawin nilang mga drama series. Pero inamin nilang marami nang dating tauhan ng ABS-CBN ang nabigyan nila ngayon ng trabaho.
Sa ngayon, bibili muna sila ng mga dating produksyon ng ABS-CBN, in fact, may mga naka-schedule na silang magpalabas ng mga lumang teleserye araw-araw, as per releases nila noong September 13, na nagbukas na sila ng kanilang network.
(NORA V. CALDERON)
-
‘Nets star Kyrie Irving milyones ang mawawala kada laro kung ‘di pa rin magpabakuna
Malaking impact daw sa kinikita ni NBA superstar Kyrie Irving ang mawawala kung magmamatigas pa rin siyang hindi magpapabakuna laban sa COVID-19. Ito ay matapos na magkasundo ang NBA at players association na kaltasan ang tinatanggap na sweldo ng isang player tuwing hindi ito makakalaro dahil sa local policy sa ilang mga estado. […]
-
Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy
HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea. Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration. ” We […]
-
FIVB nagpasalamat kay Pangulong Marcos
NAGPASALAMAT ang pamunuan ng FIVB sa Pilipinas na magsisilbing host ng prestihiyosong FIVB Men’s World Volleyball Championship na gaganapin sa susunod na taon. Nag-host si Pangulong Bongbong Marcos ng programa sa Kalayaan Grounds sa Malacañang Palace para sa mga kinatawan ng FIVB na dumating sa bansa para sa drawing of lots. […]