31% ng mga Pinoy, naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon – survey
- Published on September 19, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon.
Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at 600 sa Balance Luzon.
Nabatid din sa naturang survey na nasa 29% mula sa mga respondent ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay habang nasa 39% ang naniniwalang walang pagbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ito ay katumbas ng -2 Net Gainer score na classified bilang “fair” ng SWS na kapareho naman noong April 2022.
Ayon sa SWS ang steady national Net Gainer score sa pagitan ng April 2022 at June 2022 ay dahil sa pagtaas ng kalidad ng pamumuhay sa Metro Manila at Luzon at pagbaba naman sa Mindanao at Visayas.
Ito ay mas mababa naman ng 20 points sa pre-pandemic level na ‘very high’ +18 na naitala noong Disyembre ng taong 2019.
-
Oil slick di na aabot sa NCR ayon sa PCG
INAASAHANG hindi na aabot sa National Capital Region (NCR) ang oil slick mula sa lumubog na Motor Tanker (MT) Terra Nova sa baybayin ng Limay,Bataan , sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) base sa trajectory na naobserbahan sa isinagawang survellaince mission. “Na-observe nila (surveillance team) from north-northeast, ‘yung unang area ng surveillance natin, ngayon ay […]
-
Health Sec. Francisco Duque tinurukan na ng COVID-19 vaccine
Matapos ang halos dalawang buwan ng COVID-19 vaccination rollout sa bansa, naturukan na ng bakuna si Health Sec. Francisco Duque III. Biyernes nang mabakunahan ang kalihim ng CoronaVac, ang bakuna ng Chinese company na Sinovac, sa gymnasium ng Department of Health – Central Office na isang vaccination site. Bago mag-alas-10:00 ng […]
-
Arnell Ignacio itinalaga bilang OWWA chief
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). “We confirm the appointment of Mr. Ignacio as Executive Director Admin. V of the Overseas Workers Welfare Administration,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Hindi pa naglalabas ang […]