• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista

MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho.  

 

 

Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo noong bago pa lamang siyang nag-aartista.

 

 

“May taping ako noon ng “Bakekang” sa Baseco compound in Tondo,” kuwento ni Yas.

 

 

“Hindi ko alam mayroon din ibang nagi-taping doon, kaya pagdating ko sa location, inayos ko na ang gamit ko, inihanda ko na ang tulugan ko at matutulog muna ako habang naghihintay.

 

 

“Then may gumising sa akin, sabi niya, hindi raw kami roon, para raw sa taping ng “Maging Sino Ka Man” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz iyon.  Nagulat ako, pero natuwa rin dahil nakita ko si Bea at hindi ko ikinaila na fan niya ako.

 

 

“May mga nagsabi pa ngang magkamukha raw kami ni Bea at papasa kaming magkapatid. At nangyari nga iyon ngayon dahil magkapatid kami dito sa “Start-Up PH.”  Thankful ako sa GMA Network na ibinigay sa akin ang role ni Ina, the older sister sa serye.  Napanood ko na ang original K-drama pero pinanood ko ulit kung kaya kong gampanan ang role ni Ina, pwede naman, at tinanggap ko nga ang offer.”

 

***

 

 

NAG-SHARE naman ng tuwa at pasasalamat si Gabby Eigenmann sa GMA Network sa dalawang projects na ginagawa niya ngayon.

 

 

“Hindi ko in-expect na dalawang foreign collaboration ang gagawin ko,” sabi ni Gabby. “Una kong ginawa ang “Voltes V: Legacy,” na isang Japanese production, while itong “Start-Up PH” ay isang Korean collaboration naman between GMA Network at SBS Studio of Korea.

 

 

“Sabi ko sa sarili ko, malaki pala itong dalawang projects ko, iba ang feeling ko.  Hindi pa naming tapos na tapos ang “Voltes V: Legacy.”  But dito sa “Start-Up PH,” I will play the role of the stepfather of Bea and Yasmien.  Happy ako, dahil hidden fan ako ng Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Matagal ko nang wish na makatrabaho sila, siguro kung sila ang lilipat sa GMA, matutupad ang wish ko, at nagkatotoo nga dahil sila ang narito ngayon at mga kapwa Kapuso ko na sila.”

 

 

Don’t miss the world premiere of “Start-Up PH” on Monday, September 26, 8:50PM.

 

 

Sa katatapos na mediacon, ipinakilala na nga ang buong cast ng serye na dinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads January 6, 2022

  • First time ng aktor na mag-host ng magazine show: AGA, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang offer dahil gustong magpasaya

    EXCITED si Aga Muhlach sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng NET 25 para mag-host ng magazine show titled Bida Ka Kay Aga.     First time ng aktor to host a magazine show at ayon kay Aga, part of the challenge ay ang pasayahin ang kanyang mga producers sa magiging outcome ng programa.   […]

  • Pope Francis, isinulong ang civil-union para sa same sex couples

    IDINEKLARA ni Pope Francis ang kanyang suporta sa pagsasama ng parehas na kasarian o ang same-sex couples.   Sinabi nito na ang mga taong homosexual ay may karapatan din sa pamilya dahil sila ay anak din ng Diyos.   Aniya, hindi dapat silang ipagtabuyan o sila ay kutyain.   Kailangan lamang ng gumawa ng civil […]