• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM

PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan.

 

 

Iginiit umano ng Senador kay Pangulong Marcos na kung hindi kayang ipatupad ang task force na tututok sa mga iligal na aktibidad ng POGO na mukha umanong hindi talaga dahil ilang taon na ang kaguluhan na ito ay dapat itigil na lamang.

 

 

Sinabi umano ito ni Marcos dahil alam naman niya na ayaw talaga ito ng Presidente tulad ng pag-ayaw sa E-sabong na kikita nga subalit maliit lamang ito at hindi sapat ang halaga para sa krimen tulad ng kidnapping, abduction at iba pa.

 

 

Sa tingin din ng senador, mas malaki ang kita ng “under the table” kaysa sa ibinabayad na buwis ng POGO sa gobyerno.

 

 

Sa kabila nito ay wala pa umanong pinal na desisyon ang Pangulo kung dapat nang buwagin ang POGO sa bansa.

 

 

Naniniwala rin si Sen. Imee na kahit ipasara ang POGO ay hindi ito makakaapekto sa relasyon ng China at Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • KIT, walang problema sa nudity pero ‘di naman gagawa ng ‘soft porn’

    HINDI issue kay Kit Thompson ang nudity.     Basta gusto raw ang isang project, kahit na ano ang requirement ng role, he will do it.     “Nudity is not a problem for me. As long as I like the project and I trust the director, I will do anything that the role requires,” […]

  • PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo

    UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Alinsunod sa temang […]

  • Former Pres. Arroyo nagbigay pugay sa pumanaw na si Lydia de Vega

    NAGPAABOT nang pakikiramay si dating Pangulong at ngayon ay Pampanga 2nd District representative at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pamilya ng yumaong Filipina track and field legend Lydia de Vega.     Inilarawan ng dating pangulo na isang malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ng tinaguriang ” fastest woman in Asia” dahil sa […]