PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO
- Published on September 21, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).
Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development; Maria Paula Bautista Domingo bilang Assistant Secretary for Administration and Procurement; at Mark Steven Pastor bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure.
Itinalaga rin sina Jesus Nathaniel Martin Bermejo Gonzales bilang DOTr Assistant Secretary for Finance and Comptrollership; Ma. Marisa Malabag bilang Director III for Comptrollership Service; Zenaida Biteng bilang Director III for Procurement Management Service; at Joel Laguerta bilang Director III for Planning Service.
Ang mga nasabing opisyal ay nanumpa na sa kanilang tungkulin araw ng Biyernes, Setyembre 16 sa harap ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
-
Gitna ng TNT, pinapapwersa kay Erram
TIBA-TIBA ang Talk ‘N Text sa offseason nang makalawit si John Paul ‘Poy’ Erram mula sister-team North Luzon Expressway. May dalawang ulit pang pinarebisa ng Philippine Basketball Association (PBA) trade committee ang mga dokumento bago naaprubahan ang three-team trade kasangkot ang Blackwater. Pumuwersa lalo ang KaTropa, nagkaroon ng lehitimong big man. Mas mapapakinabangan […]
-
Consumers, ine-enjoy ngayon ang pagbagsak ng presyo ng asukal sa P70 kada kilo- PBBM
TAPOS na ang paghihirap ng mga ordinaryong mamimili dahil bumaba na sa P70.00 kada kilo ang presyo ng asukal o retail price nito sa mga supermarkets at groceries sa Kalakhang Maynila. Pinagbigyan kasi ng mga nagmamay-ari ng supermarket at grocery chains ang request ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba nila ang presyo […]
-
Best case scenario sa ekonomiya ng bansa, maaaring maramdaman pa sa katapusan ng 2021- NEDA
TINATAYA ng gobyerno na sa katapusan pa ng 2021 mararamdaman ng bansa ang “best case scenario.” Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap na rin ng inaasahang pagkakaroon na ng bakuna kontra corona virus. Aniya, ito ang panahong maaari nang maka- rebound ang bansa sa bumagsak nitong economic growth performance. […]