• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO

PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro.

 

 

Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.

 

 

Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan  Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

 

 

Pagkatapos ng proseso ay tutuloy ang mga dokumento sa korte para naman sa pagbabayad ng inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

 

 

Ayon sa abodago ni Navarro na si Atty.Alma Mallonga, na sila at tatalima ngayong maghapon  at kumpiyansa silang mabibigyan ng piyansa si Navarro .

 

 

Ayon pa kay Mallonga na ang kanyang kliyente ay patuloy na lalaban upang patunayan ang kanyang pagiging  inosente kung saan suportado ng CCTV footage sa elevator sa araw na umanoy nangyari ang insidente.

 

 

Matatandaan na nakuha rin ng NBI ang CCTV footage noong 2014 at sinabi ng ahensya na suportado nito ang pahayag ni Navarro na binugbog siya ng anim na lalaki sa condominium ni Cornejo kaya pinabulaanan ang paratang laban sa TV host.

 

 

” Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi nandito ‘yung legal team ko, nandito ‘yung family ko, nandito yung asawa ko. Ang Panginoon kasama ko dito sa laban na ‘to,” pahayag pa ni Navarro.

 

 

Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kaibigan at taga suporta na patuloy na sumusuporta at nanalangin para sa kanya at tiwala siya na maipapanalo niya ang kaso.

 

 

Sinabi ni Navarro na tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa kanyang full time program. GENE ADSUARA

Other News
  • PNR: Huling biyahe sa March 28

    HIHINTO ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ng limang (5) taon upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR).       Ang huling biyahe mula sa Governor Pascual papuntang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang ay sa darating na March 27. Inaasahang maaapektuhan ang may 30,000 na bilang ng mga pasahero sa […]

  • ZOREN at CARMINA, naging emotional dahil sa pinagdaraan ng pamilya at sa pagkahiwalay sa kambal

    ANG ganda ng trailer pa lang ng bagong GMA Afternoon Prime, ang Stories from the Heart: The End of Us na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.     At umpisa pa lang ng online mediacon nila, naging very emotional na sina Zoren at Carmina. Lalo na si Zoren na […]

  • Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.

    BUMIDA sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart.     Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103.     Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito.   […]