• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.

 

 

Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy assessment bago simulan ang kasalukuyang school year, lumabas na may 49,636 learners na maituturing na “total full refresher.”

 

 

“So lahat ng ating mga eskwelahan ay patuloy na hinahanap iyong mga non-nume­rates, non-literates,” ani DepEd-NCR Director Wilfredo Cabral.

 

 

Dahil dito ay naglatag na ng learning recovery at continuity plan ang mga paaralan.

 

 

Binanggit pa ni Cabral na may sinusunod din umano silang balangkas na ‘LOG IN Plus’, na kumakatawan sa loss, gaps and gains in basic education, kasama ang good practices noong kasagsagan ng purong distance learning.

 

 

Tiniyak din ng DepEd-NCR na handa sila sa mandatong full in-person classes pagsapit ng Nobyembre, sa harap ng mga kakulangan sa classroom.

 

 

“So some of those schools will be finishing or will be completed by November, but beyond probably deadline of November 2. But, just the same, within the year, all of us can go to full in-person classes,” aniya.

 

 

Sa darating na Nobyembre 2 ay inaasahang babalik na sa full in person classes ang lahat ng paaralan upang matugunan din ang learning gaps bunsod ng 2 taong remote learning dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Magugunitang nauna nang sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na prayoridad din ng K-12 program review ang foundational at functionaly literacy. (Daris Jose)

Other News
  • Marami ang pumuri pero meron ding ilan na nanglait: Sexy photos ni JULIA suot ang animal print lingerie, pinagpiyestahan ng netizens

    SA latest IG post ni Julia Barretto, pinasilip na niya ang sexy photos na suot ang animal print lingerie para sa latest movie niya sa Vivamax.   Caption niya, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon.   “EXPENSIVE CANDY” FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM. 🍬” Pinusuan ng mga netizens ang hot na hot photos ni […]

  • Pope Francis, isinulong ang civil-union para sa same sex couples

    IDINEKLARA ni Pope Francis ang kanyang suporta sa pagsasama ng parehas na kasarian o ang same-sex couples.   Sinabi nito na ang mga taong homosexual ay may karapatan din sa pamilya dahil sila ay anak din ng Diyos.   Aniya, hindi dapat silang ipagtabuyan o sila ay kutyain.   Kailangan lamang ng gumawa ng civil […]

  • Happy na muling makatrabaho si Jo Berry: NORA, hinay-hinay na sa pagtanggap ng movie dahil sa health

    TUMANGGAP si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.       Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang five-star hotel sa Pasay City.       “Pangalawa na ‘to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ‘yung una, sa […]