PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas
Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.
Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na “developing the competitiveness of the country’s workforce will help the Marcos administration fulfill its goal of transforming the Philippine economy.”
Nag-prisenta naman ani Cruz-Angeles ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Commission on Higher Education (CHED) ng ilang reporma na magpapalakas sa human capital development.
“Ang DOLE naman, at TESDA, at CHED ay nag-discuss ng pag-upgrade ng skills of the Filipino workforce. Bahagi ito doon sa economic transformation program ng ating Pangulo,” wika ni Cruz-Angeles.
“Kasama po doon ‘yung educational aspect at isa po ito doon sa aspeto na ‘yun. So, both vocational skills training and expanding the skills of our workforce are part of the economic transformation of the President,” dagdag na pahayag ni Cruz-Angeles. (Daris Jose)
-
BEA, ipinagtanggol ni JANUS sa patuloy na pamba-bash tungkol sa ‘loyalty’
IPINAGTANGGOL ni Janus del Prado ang kanyang kaibigan na si Bea Alonzo na patuloy na bina-bash dahil sa ‘loyalty’ at sa ginawang paglipat sa Kapuso Network. Kasama sa IG post ang isang quote na, “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.” […]
-
Heroic finale week ng Black Rider, ngayong Lunes na: RURU, sinabihan noon ni PHILLIP na magiging na action star at nangyari naman
SA nalalapit na pagtatapos ng Kapuso action series na “Black Rider,” may mga ire-reveal pa na magaganap at mayroong ding mga karakter na magbabalik. Katulad na lang character ni “Mariano,” na ginagampanan ng veteran action star na si Phillip Salvador. Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 […]
-
‘Di lang eeksena bilang host ng ‘The 6th EDDYS’: PIOLO, gagawaran din ng Isah V. Red Award kasama sina HERBERT at COCO
SIGURADONG mas lalong magniningning ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023. Dahil ang award-winning actor at tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang magsisilbing host sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Hindi ito ang unang pagkakataon […]