• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP Season 85 kasado na!

KASADO  na ang lahat para sa engrandeng pagbubukas ng University Athletic Association of the Phi­lippines (UAAP) Season 85 sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Matapos ang dalawang taong pagkagipit dahil sa pandemya, masisilayan na ng lubos ang pagbabalik ng lahat ng sports sa season na ito.

 

 

“Now, we are back and full of life. For the past two years, it’s not just the UAAP that was affected. The entire world was affected,” ani UAAP Season 85 President Fr. Aldrin Suan, CM ng Adamson University.

 

 

Nangunguna sa listahan ang men’s basketball na hahataw sa Sabado habang aariba rin ang kabuuang 60 events mula sa 21 iba’t ibang sporting events.

 

 

“Emotionally, economically, socially, in one way or another, we were down. We are hoping to use the UAAP as one of the platforms in helping bring the new normal to the Filipino people. As we RISE AS ONE, we are back to being full of life,” ani Suan.

 

 

Unang maglalaro ang season host Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng defending champion University of the Philippines at De La Salle University sa alas-4 ng hapon.

 

 

“We are excited that collegiate sports  is fully back with women’s basketball opening our festivities this weekend. We are grateful to Cignal as it will air the women’s basketball games during weekends on the Varsity Channel,” sambit ni UAAP Executive Director Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr.

 

 

Sa Oktubre 2, masisilayan naman ang bakbakan ng National University at University of the East sa alas-2 at ng Far Eastern University at Ateneo de Manila University sa alas-4.

 

 

Lalaruin ang men’s basketball tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo.

 

 

Katuwang ng UAAP sa season na ito ang Cignal at Smart Communications na siyang magiging daan sa pagsasahimpapawid ng mga laro at updates sa liga.

Other News
  • Malinta pumping station, 2 school buildings binuksan sa Valenzuela

    ALINSUNOD sa pagdiriwang ng 26th Charter Day ng Valenzuela City, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong gawang Malinta Pumping Station, at dalawang bagong gusali ng Pinalagad Elementary School sa Barangay Malinta.     Ang bagong gawang pumphouse ay matatagpuan sa Barangay Malinta na isang mahalagang proyekto ng Lungsod bilang solusyon […]

  • Agri damage dahil sa Habagat, Egay, Falcon, pumalo na sa P2.9 billion –NDRRMC

    UMABOT na sa P2.9 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa  Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng mga bagyong  Egay at Falcon.     Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang  Department of Agriculture (DA) ay nakapagtala ng P2,944,689,603.82 sa production loss […]

  • PNP ikinakasa ‘latest strategy’ vs illegal drugs

    Moderno at human rights based ang strategy ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.     Ito ang sinabi ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kaugnay ng kanilang isinasapinal na Anti-Illegal Drug Campaign Roadmap 2024-2028.     Ayon kay Marbil, sa ilalim ng bagong istratehiya, paiigtingin pa rin ang kampanya kontra […]