• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso

NIRATIPIKAHAN  na ng dalawang kapulungan ng kongreso nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at idaos sa October 2023.

 

 

Maging ang panukalang  mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.

 

 

Sinasabing nagkasundo ang House panel at counterpart sa Senate upang maiayos ang magkakaibang provisions sa House Bill (HB) No. 4673 at Senate Bill (SB) No. 1306 na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections.

 

 

Sa bersiyon ng bill na inaprubahan ng Kamara ay itinakda ang susunod na barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023 habang sa Senate version ay itinakda sa ikalawang Lunes ng December 2023.

 

 

Sa halip na gawin ang halalan sa December 2023, nagkasundo ang bicam na ire-schedule ang barangay at SK polls ng mas maaga o October 2023.

 

 

Samantala, umaasa naman si House Speaker Martin Romualdez, ang tumayong main author sa SIM Registration Act na hindi mabi-veto ang SIM card registration Bill. Sa ilalim ng panukala, may mandato ito na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.

 

 

Sinabi ni Romualdez na sa ipinasang bersyon ngayon ng panukalang SIM Card Registration Act ay inalis nila ang probisyon ukol sa pagpaparehistro ng social media accounts na siyang dahilan ng pag-veto noon dito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Binigyang diin ni Romualdez, napapanahon itong maisabatas bilang solusyon sa talamak na panloloko sa pamamagitan ng text messages na maaring magdulot ng trahedya sa buhay at makasira sa public order.

 

 

Ang dalawang panukalang batas ay ipapadala na sa Palasyo para lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tuluyang maging batas. (Daris Jose)

Other News
  • LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA

    PATAY  ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras .     Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP)  Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob. […]

  • Ads December 4, 2021

  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]