• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malacañang, ipinagtanggol ang byahe ng Pangulo sa Singapore

IDINEPENSA ni Press Secretary Trixie Angeles ang naging byahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore nitong weekend, kung saan namataan siyang nanonood ng Formula 1 Grand Prix, kasama ang anak nitong si Rep. Sandro at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.

 

 

Ayon kay Angeles, naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ng Pangulo.

 

 

Doon umano ay pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit noong nakaraang buwan.

 

 

“Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas,” wika ni Sec. Angeles.

 

 

Sinamantala rin umano nito ang patuloy na paghihikayat sa paglalagak ng puhunan ng mga negosyante doon para dito sa ating bansa.

 

 

Maging ang isa sa mga abogadong nakokonsulta ni President Marcos na si Atty. Harry Roque ay ipinagtanggol din ang byahe ng chief executive.

 

 

Para sa kanya, karapatang pantao ito ng punong ehekutibo, lalo’t weekend naman.

 

 

Ang mahalaga aniya ay hindi ito ginagawa sa oras ng trabaho at hindi rin naman nagwawaldas ng pampublikong pondo, dahil kaya naman ng presidente na gumastos ng personal para sa mga ganitong aktibidad.

 

 

Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19

 

 

Hinimok ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate.

 

 

Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Pilipinas ay nagsusubok lamang ng average na mas mababa sa 20,000 araw-araw, ayon sa ABS-CBN Data Analytics team.

 

 

Nangangahulugan iyon na isaalang-alang ang pagsusuot ng mask sa mga oras ng mataas na positibo. (Daris Jose)

Other News
  • Apela ni Fernando sa mga kontratista: “Ibahin hindi lang isa kundi lahat ng anim na rubber gates ng Bustos Dam”

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sa kanyang pulong kamakailan kasama ang National Irrigation Administration, muling sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang hiling sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales.     […]

  • DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension

    PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.     Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para […]

  • Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS

    TUMAAS sa 14.2 percent ang bilang ng mga ­pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.       Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.   […]