• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling nagkasama noong birthday ng dating asawa: POKWANG, ‘di ipagkakait si MALIA kay LEE at maging masaya

KAHIT hiwalay na, nagkasama pa rin sina Pokwang at ex-partner na si Lee O’Brian para i-celebrate ang 47th birthday nito kasama ang kanilang mga anak.

 

Pinost ni Pokwang sa kanyang Instagram ang video ng birthday celebration ni Lee at masayang-masaya ang anak nilang si Malia.

 

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman siya,” caption ni Pokwang sa IG video.

 

Noong July inamin ni Pokwang na matagal na silang hiwalay ni Lee pagkatapos ng walong taong pagsasama. Kahit na nangyari iyon, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

 

Noong pumunta ng Amerika si Pokwang para sa ilang shows, sinama nito si Malia para magkita sila ng ama nito habang nagbabakasyon sila.

 

Sey pa sa host ng ‘TiktoClock’ na hindi raw niya ipagkakait si Malia kay Lee dahil alam niyang mahal na mahal nito ang kanilang anak. At gusto niyang laging masaya si Malia at iparamdam dito na hinding-hindi mawawala ang ama nito kahit hindi na ito nakatira sa bahay nila.

 

***

 

IKINATUWA ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio ang panalo niya bilang Outstanding TV Actor of the Year sa 2nd Diamond Excellence Awards para sa pagganap niya sa teleserye na ‘Return To Paradise’.

 

Ito raw ang kauna-unahang award niya bilang aktor kaya sobra ang pasasalamat niya. Nauwi rin ni Derrick ang special award as Male Star of the Night.

 

“Thank you 2nd diamond excellence awards for recognizing my talents, hardwork, and sacrifices. #1stActing Award. And oh, thanks for this unexpected male star of the night too ❤️,” post ni Derrick sa Instagram.

 

Kabilang sa nag-congratulate kay Derrick ay ang leading lady niya sa Return To Paradise na si Elle Villanueva.

 

“Proud of you deedee!!” comment ni Elle sa IG post ng aktor.

 

May balitang nagkakamabutihan na raw sina Derrick at Elle kahit matagal nang tapos ang taping nila ng kanilang teleserye. Ilang beses daw nakita ng mga marites na magkasama ang dalawa o baka naman promo pa rin ito ng ‘Return To Paradise’ kaya naman mataas ang ratings nito?

 

Anyway, wala namang masama kung magkatuluyan ang dalawa dahil pareho naman silang single ang available.

 

***

 

KUMPIRMADONG nagde-date na ang Hollywood actor na si Brad Pitt at model na si Emily Ratajkowski.

 

Ayon sa source ng Page Six: “They are spending a lot of time together. But friends aren’t sure if it’s serious and the two don’t appear to be dating formally.”

 

Parehong may pending na divorce sina Brad at Emily. Si Brad ay ongoing ang divorce proceedings kay Angelina Jolie. Si Emily naman ay nag-file ng divorce sa kanyang husband, ang film producer na si Sebastian Bear-McClard sa New York.

 

Kahit wala pa ang official divorce, declared single na siya ng korte since 2019, kaya puwedeng makipag-date si Brad sa kahit sinong gusto niya.

 

Pero inuuna pa rin daw niya ang pagiging ama sa mga anak nila ni Jolie na sina Maddox, 21, Pax, 18, Zahara, 17, Shiloh, 16, and 14-year-old twins Vivienne and Knox.

 

“Brad has dinner with his younger kids when they are all in L.A. Since the kids are older now, they have their own life and friends. Brad still has a pretty good relationship with them,” sey ng source.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas

    ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay.     Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world.     Her crowning […]

  • 33K college level na anak ng OFWs makatatanggap ng P30K tulong

    Magbibigay ang gobyerno ng one-time grant ng P30,000 na educational assistance sa mga kolehiyong anak ng overseas Filipino workers, ayon kay President Rodrigo Duterte. “Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about […]

  • Walang nakikitang masama sa naging rebelasyon ng ex-bf… BIANCA, sinabing kaibigan pa rin si MIGUEL at happy sa kani-kanilang buhay

    WALA raw nakikitang masama si Bianca Umali sa ginawang rebelasyon ni Miguel Tanfelix tungkol sa naging relasyon nila noon.     Kinumpirma nga ni Bianca na naging sila ni Miguel noong magka-loveteam pa sila.     “I don’t think I have any comments, kasi, honestly, I saw his interview and what he said. Finally he […]