PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro
- Published on October 6, 2022
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes.
Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” ng mga guro sa paghulma sa mga mag-aaral at ihanda ang mga ito na makamit ang kanilang mga pangarap.
“This is also a good opportunity to express our sincerest appreciation for their invaluable service to the nation as we safely reopen our schools and bring forth a new era of learning amidst the post-pandemic world,” wika ng Pangulo.
Inilarawan naman ng Chief Executive ang edukasyon bilang “the bedrock of every prosperous society”, citing how teachers served as “important drivers of our nation.”
“Today, we honor our dear educators across the country for ensuring our youth’s holistic development as they aspire to be agents of change within their respective communities and beyond,” aniya pa rin.
Kumpiyansa ang Pangulo na sa tulong ng mga guro, ang bansa ay “grow stronger with every Filipino becoming more capable of building a better future for all.”
“May this celebration not only inspire present teachers as they continue their efforts in shaping the lives of our young learners, but also motivate those whose dream is to be such agents of genuine unity and empowerment,” aniya pa rin.
Nauna rito, napaulat na ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na makatatanggap ang mga guro ng P1,000 incentive bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month.
Ito ang inanunsiyo ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa sa isang press conference ngayong Huwebes, kung saan gagawin nila ang nasa probisyon ng World Teacher’s Day Incentive Benefit (WTDIB) para sa mga kwalipikadong public school teachers.
“Yes po. We will continue with the P1,000 incentive para sa pagpupugay sa ating mga teachers,” saad ni Poa.
Ang National Teachers’ Month ay ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang ngayong araw, Oktubre 5. Ginanap naman ng ahensiya ang kick-off ceremony nitong Setyembre 6.
Sinabi rin ni Poa na ang DepEd ay magsasagawa ng programa para sa mga educators sa National Teachers’ Day na gagawin ngayong araw.
Sa ginanap na okasyon ng National Teachers’ Month nitong Martes, pinuri ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga guro sa kanilang mga sakripisyo at pagsisikap na makapagbigay ng edukasyon sa mga kabataan, kahit na ito aniya ay mapa-in-person o online.
Ayon kay VP Sara, bilib siya sa lakas at tatag ng mga puso ng mga guro habang nahahanap ng mga paraan para mai-deliver ang mga modules, tumulong na mag-facilitate sa mga community learning hubs, at magbigay ng karagdagang learning resources sa mga bata sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng sektor ng edukasyon dahil sa pandemya.(Daris Jose)
-
Ads August 19, 2023
-
Baril, P280K droga nasabat sa 5 drug suspects sa Malabon at Navotas
NASAMSAM ng pulisya sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang isang baril at halos P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim […]
-
Matagal na pinaghahandaan ang bawat role: CARLA, pinuri sa istilo sa pagmi-memorize ng mga linya
PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye. Makikita nga sa photo na ibinahagi ng Kapuso actress ang pagsusulat niya sa mga Manila papers na nasa floor at meron din nakadikit sa […]