Rodriguez, ‘out’ na rin sa Malacañang
- Published on October 6, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na parte ng Gabinete si dating ES Vic Rodriguez.
Nilinaw din ni Bersamin na wala talagang itinalagang bagong posisyon kay Rodriguez.
Hindi rin anila pinag-uusapan ang sinasabing bagong posisyon para kay Rodriguez na Presidential Chief of Staff.
“Wala.. We don’t even talk about it. not about him. not about it ang sinabi ko, ‘wag n’yong.. I have to be clear about that. You know we have to respect the privacy of the former executive secretary. He’s entitled to it,” ani Bersamin.
Dapat na rin aniyang tigilan na ang nasabing isyu kung saan nababanggit ang pangalan ni Rodriguez. (Daris Jose)
-
Pilipinas, malapit nang maabot ang COVID-19 endemic stage – eksperto
NANINIWALA si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng COVID-19 sa kabila ng pagluluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon. “Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon […]
-
PBBM, itinalaga si Cheloy Garafil bilang PCO secretary
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO). Ayon sa PCO, araw ng Martes, mismong sa harap ng Pangulong Marcos nanumpa si Garafil para sa kanyang opisyal na posisyon. Bago pa pinangalanan bilang Kalihim ng PCO, nagsilbi munang officer-in-charge si […]
-
Año, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang inisyatibo ng PNP
UMAASA si Outgoing Interior Secretary Eduardo Año na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa na kanilang sinimulan sa loob ng Philippine National Police (PNP). Kumpiyansa ang Kalihim na mapapanatili ng incoming government ang kanilang tagumpay. Sa isang talumpati sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni […]