• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTF-ELCAC exec, NegOr guv, Palace photog officers nag-oath taking sa harap ni PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang panunumpa sa tungkulin  ni retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang  executive director ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Ibinahagi ni Pangulong Marcos  ang ilang larawan ng mass oath-taking ceremony na isinagawa sa President’s Hall sa Malacañan Palace sa Maynila.

 

 

Buwan ng Hulyo nang italaga ni Pangulong Marcos si Salamat  bilang  executive director ng  NTF-ELCAC National Secretariat.

 

 

Ang NTF-ELCAC,  itinatag sa bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan ni dating  Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa 2018,  ay may mandato  na isulong ang  “whole-of-nation approach to counter communist insurgency and attain inclusive and sustainable peace.”

 

 

Bago pa ang kanyang bagong posisyon,  nagsilbi si Salamat  bilang board member  ng  Metropolitan Waterworks and Sewerage System  sa ilalim ng  administrasyong Duterte.

 

 

Si Salamat, bago pa ang kanyang  retirement mula sa military service, ay nanguna sa Tarlac-based Northern Luzon Command.

 

 

Maliban kay Salamat, nanumpa rin sa kanyang tungkulin si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

Si Degamo,  isang reelectionist governor ay pinroklama bilang duly-elected governor ng Negros Oriental province matapos na ang  boto ng dating proklamadong nanalo na si Pryde Henry Teves ay inilipat sa kanya (Degamo) at ibinilang pabor sa kanya.

 

 

Samantala, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang  oath-taking ng  “new set of officers” ng Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA).

 

 

Sa isang Facebook post, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos  na  magagampanan nina Salamat, Degamo, at mga  opisyal ng  MCA at PPA ang kani-kanilang mga tungkulin  “with excellence and integrity.”

 

 

“Nagpapasalamat tayo sa kanilang dedikasyon at umaasang buong husay at katapatan nilang gagampanan ang kanilang tungkulin para sa bayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water. Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin. Inihayag naman ni Dr. […]

  • Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec

    Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022.     Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng […]

  • Be professional, don’t act beyond bounds

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga graduates o nagsipagtapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2022 na panatilihin ang kanilang propesyonalismo sa pamamagitan ng pagganap sa kanilang gampanin ng walang pagmamalabis sa kanilang legal parameters.     “You must maintain professionalism for you will soon take over its leadership and will be […]