• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena asam makuha ang 6.0 meters

ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Ito kasi ang laging tina­talon ni World No. 1 at Olympic Games gold me­da­list Armand Duplantis ng Sweden.

 

 

Sa ilang ulit nilang pag­haharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis na nangyari sa Brussels Leg ng Diamond League noong Setyembre 3.

 

 

“The way I approach the game is to win. If I can win with 6 meters then I need to jump 6 meters,” wika ng Southeast Asian Games at Asian record-holder. “For me, it’s really a matter of winning medals.”

 

 

Ang world record na 6.21m ay kasalukuyang ha­wak ng 22-anyos na si Du­plantis na itinala niya sa nakaraang 2022 World Athletics Championships sa Eugene, Oreogn,.

 

 

Sa nasabing torneo inangkin ng 26-anyos na si Obiena ang bronze medal sa kanyang nilundag na 5.94m para sa bago niyang personal best at Asian record.

 

 

Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa world championship.

 

 

Tinatapos na ng 6-foot-2 Pinoy pole vaulter ang kanyang three-week vacation sa bansa bago sumalang sa training camp sa Formia, Italy.

 

 

Sa nakaraan niyang out­door season ay anim na gintong medalya ang inangkin ni Obiena sa nilahukang walong torneo.

 

 

Tampok rito ang pagsapaw niya kay Duplantis sa Brussels Leg.

 

 

Plano ng Philippine Olympic Committee (POC) na magdaos ng isang invitational tournament sa Tagaytay City.

 

 

Kumpiyansa si Obie­na na mahihikayat niya si­na Duplantis, World No. 2 Chris Nilsen at 2016 Rio Olympics gold medalist Thiago Braz na sumali sa tor­neo.

Other News
  • FORMER STUNT DOUBLE OF BRAD PITT NOW DIRECTS “BULLET TRAIN”

    FROM the director of Deadpool 2 comes the new action-thriller Bullet Train which brings together seven characters, all with connected, conflicting, and at times, confusing objectives.       [Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/Eku2gerbnMc]       Brad Pitt stars as Ladybug, an unlucky assassin determined to do his job peacefully after one […]

  • Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

    AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.     Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]

  • Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix

    HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.     Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules.     Kumpleto ang Cool Sma­shers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si […]