Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAPILI bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.
Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.
Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion na si Steve Kerr ng Golden State Warriors.
Sinundan naman ito nina Gregg Popovich ng San Antonio Spurs at Monty Williams ng Phoenix Suns.
Pumang-lima naman sa puwesto sa survey si Los Angeles Clippers coah Tyronne Lue.
Bagama’t sa tatlong taong sunod-sunod na napili bilang head coach si Spoelstra, hindi pa ito nagagawaran bilang NBA’s Coach of the Year.
Ito ay sa kabila na nabigyan na niya ng kampeonato ang team ng dalawang beses at nitong lamang nakaraang season ay muntik na silang umabot sa NBA Finals.
Narito pa ang coaching-based results GM survey:
Best Motivator of People: Kerr
Best In-Game Adjustments: Lue
Best Offense: Kerr
Best Defense: Spoelstra
New Coach Who Will Make Biggest Impact: Darvin Ham (Los Angeles Lakers)
Best Assistant Coach: tie between Kenny Atkinson (Golden State Warriors) and Charles Lee (Milwaukee Bucks)
Active Player Who Will Become Best Coach: Chris Paul (Phoenix Suns)
-
Magsasaka, magsasagawa ng sariling State of the Peasant Address (SOPA)
TATAPATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pang grupo mula sa agriculture at fisheries sector at food security advocates ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ng sarili nilang State of the Peasant Address o SOPA. Ang SOPA ay taunang forum na ginagawa para ihayag ang sitwasyon, isyu […]
-
CRITICS RAVE ABOUT DEV PATEL’S INTENSE AND THRILLING ACTION MOVIE “MONKEY MAN,” NOW SHOWING IN CINEMAS
“Monkey Man,” Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) Dev Patel’s directorial debut, has a raw and intense power that is best experienced on the big screen. Says cinematographer Sharone Meir of the film and director Patel: “I’m proud of how cohesive and unified the feel and the look of the movie is. I’m […]
-
Nawala ang pandinig at lumabo rin ang paningin: LANI, inamin na kinuwestiyon ang Diyos sa nangyari sa kanilang mag-asawa
BONGGA talaga ang ‘Fast Talk With Boy Abund’a dahil nagawa ni Kuya Boy na pagkuwentuhin si Lani Misalucha tungkol sa pinagdaanan nitong sakit. Noong 2020 ay nagkasakit si Lani at ang mister niyang si Noli ng bacterial meningitis na naging sanhi ng pagkawala ng pandinig ng Asia’s Nightingale. “Ang bacterial meningitis […]