Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel.
Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day.
Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at inalala din nila ang mga paborito nilang mga guro.
Binahagi din ni Attorney Michael ang kanyang mga nakatatawa at hindi malilimutang mga alaala nung siya ay nag-aaral pa ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas.
At ngayong Sabado, Oktubre 8, nagbabalik ang ‘ImeeSolusyon’ vlog ni Sen. Imee habang ibinabahagi ang mga footages ng kanyang outreach efforts para sa mga nasalanta ng super typhoon na Karding.
Una siyang bumisita sa Nueva Ecija kung saan mainit siyang tinaggap ng Gapan habang mahahagi siya ng tulong pinansyal, Nutribun, at mga gulay para sa mga biktima ng bagyo.
Nagpasalamat ang mga taga- Nueva Ecija, sa pamumuno ni Vice Governor Anthony Umali at Gapan City Mayor Joy
Pascual, sa tulong at suporta ng Senadora.
Pumunta din ang Senadora sa San Miguel, Bulacan at nakipagkita kay Mayor Roderick D. Tiongson at namigay rin ito ng tulong na talaga namang ikinaligaya ng mga San Migueleños.
Ipagdiwang natin ang mga sakripisyo ng lahat ng mga guro at silipin natin ang mga outreach programs ni Sen. Imee, at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured
(ROHN ROMULO)
-
Pagmamahal, Manahan ka Tuwina By: Cathy Padol
Ikaw ba ay nagmamahal? Batid ko ikaw ay nagmamahal? Sa panahong ang mundo ay sadlak sa kawalan ng pag – asa, Sa panahong akala mo ikaw ay nilisan na ng pag – asa, Umasa ka! Bumangon ka! Yumabong ka! Iaahon ka ng pagmamahal. Alam mo ba na ang pagmamahal ay pag – asa? Ang […]
-
Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila
LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata. Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata sa pinakamalapit na health center at […]
-
DILG sa LGUs : Mask rule sa indoor areas, public transport mananatili
NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units na mahigpit pa ring ipatupad ang mask mandate sa mga indoor areas at pampublikong transportasyon. Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na bahagi ito ng probisyon na nakapaloob sa Executive Order (EO) No. 3 na tinintahan ni Pangulong […]