90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023.
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon.
Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng backlog pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.
Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagama’t ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon.
Gayunman, nananatiling positibo ang LTO Chief na maaaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga backlog ng plaka ng sasakyan.
Sa ngayon ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting background ang kailangang matapos. Mayroon namang 11.5 milyon ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.
“Right now, we have already extended the operating hours of the LTO license plate manufacturing plant. It now operates even on Saturdays so that it can produce more replacement plates and reduce the backlog,”ayon kay LTO chief Guadiz.
Batay sa datos ng LTO Plate Plant, umaabot na sa mahigit 300,000 pares ng replacement plates ang nagawa hanggang noong Oktubre 3 ng kasalukuyang taon. Nagsimula ang produksyon ng replacement plates nitong Mayo.
Samantala, binigyang-diin ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para sa mga bagong rehistrong sasakyan.
Kaugnay naman ng sinisingil ng LTO para sa replacement license plates, sinabi ni Guadiz na idinideposito ito sa National Treasury araw-araw at kung kakailanganin ng pondo para sa paggawa ay hinihingi ito sa Kongreso o sa DBM. (Daris Jose)
-
Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr
Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16. Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, […]
-
Kongreso idineklara si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
IDINEKLARA na ng Kongreso sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Dutertre-Carpio bilang panalo sa pagkapangulo at pagkabise sa nagdaang 2022 national elections. Ito ang ginawa ng National Board of Canvassers, Miyerkules, matapos magtamo si Bongbong ng 31,629,783 boto, dahilan para siya ang maging ikalawang Marcos na maluluklok sa Malacañang. […]
-
Jesus; Matthew 6:25
Do not worry about your life.