• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .

 

 

“With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in spite of the adjustments that we have had to make to compensate for the shocks that the world situation has brought to the Philippines,” ayon sa Pangulo sa isinagawang contract signing para sa South Commuter Railway Project ng  North-South Commuter Railway sa Laguna.

 

 

“Indeed, those efforts will all redound to the fulfillment of a more united and dynamic nation. I join our people in anticipating the eventual progress and completion of this railway project. As your President, I will make sure that every resource that will be used here will be maximized for the success of this entire endeavor,” wika pa ng Pangulo.

 

 

Sinabi ng Chief Executive na “the South Commuter Railway Project is expected to contribute in seamlessly transporting passengers from Clark, Pampanga and Calamba City, Laguna, and all the train stations in between.”

 

 

Ang South Commuter Railway Project, kinabibilangan ng 56 kilometro sa pagitan ng Maynila at Laguna, naglalayong bawasan ang  travel time sa pagitan ng dalawang lugar mula tatlong oras sa isang oras na lamang.

 

 

Tinatayang makakapag-accommodate ito ng 340,000 pasahero kada araw.

 

 

Itinuturing na ito ang pinakamalaking Asian Development Bank infrastructure-funded project sa Asya, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa multilateral lender para sa tulong sa Pilipinas.

 

 

“Those partnerships are something that we hold very, very valuable, and for that, I once again have to thank them for their continuing interest in the Philippines and their continuing assistance and support and belief in the Philippines and the future of the Philippines,” ang wika ng Pangulo.

 

 

“We welcome this development at a time when we are going — and we have used this phrase often — full speed ahead towards modernization and our transport system and we are reclaiming our lives from the COVID-19 pandemic. This is what all of this truly means,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, tinawagan ng pansin ng Pangulo ang  Department of Transportation, ang lahat ng  concerned agencies, local government units, at maging ang partners at iba pang stakeholders,  na tiyakin ang maayos at tapat na implementasyon ng proyekto. (Daris Jose)

Other News
  • Iniyakan dati sa tuwing magri-race ang aktor: ABBY, gustong mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck ang kasal nila ni JOMARI

    KUMPIRMADO na ang kasalang Jomari Yllana at Abby Viduya sa November ng taong ito.     Mismong sina Abby at Jomari ang opisyal na nagbalita nito. Sa pamamagitan muna raw ng isang civil wedding sa Las Vegas, U.S.A. ang magiging kasal nila.     Ayon kay Abby, gusto nila na mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck […]

  • JC Intal nag-retiro na sa paglalaro sa PBA

    Nagpasya na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.     Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.     Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.     Matapos kasi ang paglalaro niya sa […]

  • Rekomendasyon ng pribadong sektor na tiyakin ang food security, isinumite na kay PBBM

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Biyernes para talakayin ang rekomendasyon na naglalayong itaas ang local food production at suplay.     Nakasaad sa  kalatas na ipinalabas ng  Office of the President (OP) na kabilang dito ang “digital farming methods and strategies” para mapahusay ang  supply chain. […]