• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer

NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas.

 

Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.

 

Dahil dito, napaganda pa ni Martinez ang kanyang record na 15-0 habang ang Filipino southpaw ay naitala ang 33-3 kasama na ang 22 knockouts.

Other News
  • PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika

    HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’ “Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan […]

  • Higit 1.5K personnel, ipinakalat para bantayan ang buhos ng trapiko sa NLEX ngayong holiday season

    INANUNSYO  ng pamunuan ng NLEX-SCTEX ang plano nitong pagdaragdag ng mga tauhan na siyang magbabantay sa bugso ng mga motorista sa NLEX ngayong holiday season.     Ito ay bahagi pa rin ng pagpapatupad ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program.     Ang karagdagang 1,500 personnel ang ipakakalat naman simula bukas December […]

  • Ads October 7, 2020