• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinalo na ang lahat ng blessings ng bagong mommy: Perfect proposal ni GREG kay ANGELICA, pinuri ng mga netizens

ILAN sa mga hirit sa bagong mommy na si Angelica Panganiban ng mga kaibigan niya, sinalo raw nito ang lahat ng blessings.

 

Kasi nga naman, natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ina. Pero ‘yun pala, hindi lang pagiging ina ang nagkaroon ng katuparan, isang legit na pamilya na dahil ikakasal na rin siya sa partner at daddy ng anak niya na si Greg Homan.

 

Nag-propose si Greg sa kanya buntis pa si Angelica at ngayon lang nila inilabas sa kanilang Youtube channel. Lumuhod si Greg kay Angelica habang nasa beach sila at saka sinabi na, “Love ko, maraming paraan para sumaya sa buhay na ‘to, pero ikaw lang ang kailangan ko. Angelica David Panganiban, will you marry me?”

 

Noong una ay nag “no,” then, “I don’t know” na sagot pa si Angelica at saka hagulgol na yumakap kay Greg at sinagot na, “yes, I love you.”

 

Iyak nang iyak si Angelica sa kaligayahan at sabi nga niya, “I love you forever nang paulit-ulit” kay Greg.

 

Pinuri naman ng mga netizens ang naging proposal nila. ‘Yun daw ang perfect proposal. Silang dalawa lang, walang production number, walang maraming arte at kung ano-ano pang ka-echosan.

 

***

 

MAY dahilan para maging proud ang Kapuso star na si Luke Conde dahil siya ang bagong endorser ng Hanford.

 

Eh, known ang Hanford sa mga kinukuhang mga celebrity endorsers ay talagang mga sikat na like sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann at iba pa noon. Recently ay nag-Mikael Daez at Vin Abrenica rin.

 

So, si Luke nga ang bago na maituturing na isa pa rin baguhan. Pero ayon sa mga taga-Hanford na part ng marketing strategy nila na si Luke ang kuhanin at gusto raw nilang makasama o makatulong din sa pagsikat nito.

 

Bongga!

 

Kaya sey ni Luke na ang huling proyektong ginawa sa GMA ay ang very successful na ‘Lolong,’ “I feel very honored po talaga knowing ba ‘yung mga nauna po sa akin ay may mga napatunayan na sa industry and I feel humbled at the same time na pinagkatiwalaan ako.

 

“I’m still on this part of my career na parang nag-uumpisa pa rin ako. I’m just blessed to be considered.”

 

Sa isang banda, hindi raw threatened si Luke na sa paglipat niya sa GMA, mas marami rin na naglipatan na sa network na ibang stars.

 

Katwiran niya, alam daw niya na being part of Sparkle ay hindi rin naman siya pababayaan.

 

“Kasi po simula naman ng lumipat ako, hindi naman po sila nagpabaya. And kung may mga dumating, they’re all welcome naman and ang maganda lang, you have to improve yourself pa rin.”

 

At sa mga Kapuso stars, ang palagi raw niyang sinasabi na gusto niyang makasama ay sina Rhian Ramos, Klea Pineda at Thea Toletino.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • BIR, dapat na habulin ang lahat ng hindi nagbabayad- Andanar

    SINABI ng Malakanyang na dapat lamang na habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng tao na hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa gitna ng usapin hinggil sa P203-billion estate tax debt case ng pamilya Marcos.     Tinanong kasi si acting presidential spokesperson Martin Andanar kung may nakikitang ‘sense of urgency’ ang […]

  • ‘Hard’ lockdown vs banta ng Omicron variant, handang ipatupad – PNP

    Nakahanda na ang PNP na magpatupad ng hard lockdown kung sakaling ipag-utos ng IATF sa gitna ng banta ng bagong Omicron strain ng Corona virus.     Ayon kay PNP Chief , hindi na bago ito sa PNP, at mayroon na silang template na katulad noong ginawa noong ipinairal ang pinaka striktong Quarantine sa iba’t […]

  • Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget

    SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara.     Pinayuhan ni Se­nate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]