• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atty. Velicaria-Garafil, tinanggap ang alok na maging Usec at OIC ng OPS- Malakanyang

PORMAL nang nagbitiw sa tungkulin si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil  bilang chairperson ng Land Transportation Franchisin and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

Sa pagbibitiw niya bilang chairperson ng LTFRB ay tinanggap naman niya ang alok na tumulong sa tanggapan ng Office of the Press Secretary bilang Undersecretary at OIC.

 

 

“Today, October 7, 2022, I tendered my resignation as LTFRB Chairperson as I have accepted the offer to help in the Office of the Office of the Press Secretary as its Undersecretary and OIC,” ayon kay Velicaria-Garafil.

 

 

“This is a great honor and privilege and i thank the President for this opportunity to once again work with him in his administration to serve the Filipino people,” wika pa nito.

 

 

Sa kabilang dako, “yes” naman ang naging tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin kung si Velicaria-Garafil  ang  tatayong  OPS OIC at Usec.

 

 

Samantala, deadma  lang si  Atty. Cheloy Garafil kung Officer in Charge (OIC) lang ang kanyang  status sa sa Office of the Press Secretary (OPS).

 

 

Sa naging panayam ng Malacanang Press Corps kay Atty. Garafil, tinuran nito na mas binibigyang bigat niya ang “trust and confidence” na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pamunuan ang OPS.

 

 

Wika nito, hindi na importante sa kanya kung OIC man ang kanyang estado sa kanyang bagong trabaho dahil ang mahalaga ay ang pagkakataon na  ipinagkaloob sa kanya nni Pangulong  Marcos na makatulong sa OPS.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay ipinatawag si Atty. Garafil  ni Pangulong Marcos at doon ay inialok sa kanya ang puwesto.

 

 

Ayon sa Chief Executive, kailangan aniya niya ng isang taong maaaring makatulong sa naturang tanggapan na agad naman niyang tinanggap.

 

 

Habang nito lamang nakaraang Huwebes ay nagpahapyaw na ang  Punong Ehekutibo na ang kanyang itatalaga sa OPS ay kaibigan ng media at isang media practitioner na maalam sa messaging.

 

 

Si Atty. Garafil ay dating TV reporter at naging print journalist din bukod pa sa isa itong abogado at nagsilbi rin bilang Chief of Staff  ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Daris Jose)

Other News
  • Sotto sasabak sa NBA Draft

    ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.     Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.     “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]

  • Educational assistance program ng Manila LGU, natanggap na ng unang batch

    TINATAYANG nasa mahigit 600 benepisyaryo ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng kanilang educational assistance program ngayong araw.   Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama si MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso, ang paggawad ng tig-P5,000 educational assistance sa 674 […]

  • Catholic E-Forum, inilunsad

    BILANG paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.     Inilunsad ang Catholic E-Forum kahapon, Pebrero 14,  2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.   […]