Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.
Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho bago panagutin ang mga kumpanya na nagpabaya sa kanilang trabahador.
Matatandaan na isa ang nasawi at sampu ang sugatang trabahador matapos bumigay ang scaffolding sa construction site na kanilang pinagtatrabahuan sa Sto. Cristo Street, Barangay Balingasa, Quezon City nitong Martes.
Ayon sa KMK, dapat na imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Quezon city government ang aksidente upang madetermina ang pananagutan ng kumpanya at kung mayroon umanong posibilidad na pagbabaya sa insidente.
Dapat ding alamin kung naglaan ang kumpanya ng safety seminars at training sa manggagawa upang madagdagan ang kamalayan ng mga ito ukol sa occupational hazards sa kanilang trabaho at mabawasan ang panganib sa lugar ng trabaho.
Gayundin, nararapat ding magsagawa ng imbestigasyon kung nagawa pang tuparin ng kumpanya ang kanilang mandato sa ilalim ng batas sa pagbibigay ng mga kaukulang personal protective equipment (PPE) sa kanilang trabahador.
Pinaalalahanan din ng KMK ang gobyerno na siguruhin na ang mga apektadong manggagawa na natigil sa kanilang trabaho habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay patuloy na makakatanggap ng sahod. (Daris Jose)
-
Tan pinagpapaliwanag ng GAB
Pinagpapaliwanag ng Games and Amusements Board (GAB) si Glutagence head coach Justin Tan sa umano’y hindi pagbabayad sa ilang players nito na naglaro sa Women’s National Basketball League. Nagpadala na ng sulat ang GAB na pirmado ni GAB Pro Sports Division chief Dioscoro Bautista para hingan ng paliwanag si Tan. Mayroon […]
-
Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA
MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa. Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan […]
-
KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA
PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sites o tinawag na Plus 1 strategy. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay. Paliwanag ni […]