Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.
Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay isang magandang balita rin para sa mga motorcycle taxi driver na nakadepende ang kita at kabuhayan sa iba’t ibang ride-hailing apps.
Ang motorcycle taxis ay nasa proseso na ng pagsasa-legal bilang isang anyo ng public transportation at ang operasyon ng mga ito sa kasalukuyan ay isang pilot study pa lamang.
“Dagdag-hirap lalo na kapag rush hour na. Malaking tulong ang dagdag bilang ng mga motorcycle taxis ng MoveIt para gumaan kahit paano ang paghihirap ng mga mananakay at maiangat ang kalidad ng kanilang araw-araw na pamumuhay,” dagdag niya.
Sinabi ni Montemar na siguradong makatutulong ang mga karagdagang MoveIt riders sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region na problematiko na bago pa magkapandemya.
Para sa convenor ng BK3, ang Grab-MoveIt investment deal ay isang pagmamalas ng “tunay na malasakit sa ating mga kababayan na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.” (Daris Jose)
-
Alok ng DOLE na payagan ang libo-libong mga health care workers na magtrabaho sa UK at Germany
WELCOME sa Malakanyang ang alok ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hayaan ang libo-libong mga health care workers na karamihan ay nurses na magtrabaho sa United Kingdom at Germany kung ang dalawang bansa naman ay pumayag na mag-donate ng COVID-19 vaccines. Sinabi kasi ni Alice Visperas, director ng labor department’s international affairs […]
-
Dating PRESS USEC. Capco, pumanaw na; Andanar, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya
NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilyang Capco sa pagkawala ni dating Press Undersecretary Roberto “Bobby” Capco. Sa isang kalatas, sinabi ni Andanar na maaalala si Capco sa pagsisilbi nito sa bansa bilang mamamahayag na may integridad at dedikasyon. Aniya, importante ang ginampanang papel ni Capco […]
-
DOH Sec. Herbosa, humingi ng tulong sa media para itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng bakuna
HUMINGI ng tulong si Health Secretary Teodoro Herbosa Jr. sa mga miyembro ng media na itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng bakuna. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng Kalihim ang kahalagahan ng malawak na information drive para maturuan ang mga Filipino lalo na iyong mula sa mas mababang socioeconomic […]