• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming social media posts pero tungkol sa mga endorsements: HEART, kinalimutan na ang birthday message sa ‘estranged husband’ na si Sen. CHIZ

LAST Monday, October 10, nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday si Senator Chiz Escudero.  

 

 

Nabigo ang mga fans nila ni Heart Evangelista, na magparamdam man lamang kahit sa social media ang actress.  Maraming posts si Heart sa kanyang social media pero tungkol lamang iyon sa kanyang mga endorsements.

 

 

May nag-try na fan kay Heart na batiin niya si Sen. Chiz, pero photos pa rin ng mga ini-endorse niya ang pinost niya, at doon nga nakita ang fingers niya na hindi na niya suot ang wedding ring nila ng Senador.

 

 

Dahil magkakasama si Sen. Chiz at mga kasamahang Senador dahil nag-attend sila sa paglagda ni President Bongbong Marcos ng SIM Card bill, sabi’y nagpa-ice cream siya dahil maraming nagpadala naman ng pagkain sa kanya.

 

 

***

 

 

MATAPOS muling makatambal ni Kelvin Miranda si Mikee Quintos sa isang episode ng “Magpakailanman” last Saturday, ngayon ay may bago na siyang katambal sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija,” si Kate Valdez.

 

 

Naiiba ang kanilang seryeng gagawin dahil dual role si Kate sa drama sci-fi series at iyon nga raw ang aabangan ng mga viewers, kung sino sa dalawang Kate ang makakatuluyan ni Kelvin.

 

 

Para sa mga fans, bagay daw sina Kelvin at Kate dahil parehong maganda ang mga mata nila, very expressive.

 

 

Makakasama nila sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garrovillo, Maricar de Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at si Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang “Unica Hija” sa GMA Afternoon Prime.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Hindi naman dapat totohanin o ma-carried away: Direk JOEL, ‘di pa na-experience na may artistang tinablan sa ‘intimate scene’

    INAMIN ni Direk Joel Lamangan na mahirap gumawa ng mga intimate scenes.     Marami na rin naman siyang nagawang pelikula na sexy at ang marami rito ay may intimate scenes na involved ang mga artista.     Sa presscon ng movie na Moonlight Butterfly, sinabi ni Direk Joel na dapat bawat intimate scene na […]

  • P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi

    Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs).       Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers.       Ayon kay LTFRB OIC ng legal division […]

  • ‘Matigas talaga ulo ko’: Paalam sure medal winner na sa Olympics kahit na-headbutt

    Siguradong makapag-uuwi ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics ang isa pang Pinoy na atleta — sa pagkakataong ito, sa larangan ulit ng boksing.     Natalo kasi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov (Uzbekistan), dahilan para dumiretso siya sa semifinals sa Huwebes. Dahil dito, bronze […]