• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 nalambat sa drug ops sa Camanava, halos P1M shabu, nasamsam

PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang District Drug Enforce Unit (DDEU-NPD) at Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities Police Stations sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkaaaresto sa 12 drug suspects at pagkakakumpiska sa halos P1 milyon halaga ng illegal na droga.

 

 

Alas-11:45 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pamumuno ni PLt Col. Renato Castillo sa buy bust operation sa Edsa Monumento, Brgy. 86, Caloocan City si Emmanoel Lemaire alyas “Manoy”, 29 ng Quezon City at nakuha sa kanya ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Sa Brgy. 176, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta sa buy bust operation sa Kaagapay Road alas-3 ng madaling araw si Mary Grace Cabuhay alyas “Grace”, 46 ng CD-NAI Dalangahita St. San Vicente Ferrer, Brgy. 178.

 

 

Nasamsam kay Cabuhay ang humigi’t kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000.00 at buy bust money.

 

 

Nabitag din ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa MH Del Pilar corner Prelaya St., Brgy. Tugatog, Malabon City sina Michael Ramos, 34, Francisco Denoman, 61, at Erwin Joseph Bautista. Nakumpisa sa kanila ang nasa 3.4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱23,120.00, P500 marked money at P300 bills.

 

 

Umabot naman sa 10.5 gramso ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 71, 400.00 at P500 buy bust money ang nasamsam ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging kay Edison Quizon, 29 at Margie Baltazar, 49, matapos matiklo sa buy bust operation sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque, Navotas City alas-12:15 ng madaling araw.

 

 

Samantala, arestado din ng mga operatiba ng SEDU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sina Nestor Monteverde, 27, Jessie Antipolo, 34, Jesie Mansalay, 34, Josie Santos, 22 at Reymart De Jesus, 30, matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa loob ng isang bahay sa Bagong Nayon, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City alas-2:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 47,600.00, P300 recovered money, 4 cellphones at mga drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Other News
  • May delayed telecast sa ALLTV: Gabi ng Parangal ng ‘The 7th EDDYS’, tuloy na tuloy sa July 7

    MAS maningning at kaabang-abang ang awards night ng ‘The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.   Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Pasay City.   Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na […]

  • IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

    Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa  “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan.  Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para  “prepare young women for their responsibilities in the home, the nation, […]

  • Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor

    TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC.   Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal.     Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time.     “Tuloy tayo sa paglilingkod […]