• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Provincial poll supervisor ng Mindanao, itinalaga ni PDu30 bilang Commissioner ng Comelec

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang provincial poll supervisor ng Mindanao bilang commissioner ng Commission on Elections.

 

Ito ang nakasaad sa dokumento na ipinalabas, araw ng Huwebes, kulang-kulang dalawang taon  bago bumoto ang mga Filipino mg mga bagong lider ng bansa.

 

Napili ni Pangulong Duterte si  Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang Comelec commissioner na may termino ng hanggang Pebrero  2027, base sa liham.

 

Si Ferolino-Ampoloquio ay unang nakasama sa Comelec bilang emergency worker taong 1994, at sa kalaunan ay nagsilbi bilang election assistant para sa 12 taon bago pa ito na-promote  bilang election officer ng 10 taon  at bilang isang supervisor, ayon kay   Comelec chairman Sheriff Abas.

 

“Commissioner Aimee is an inspiration to all public servants. Her ascent to Comelec leadership is a testament of her great work and her dedication to deliver quality and unparalleled service,” ani Abas sa isang kalatas.

 

Sa ngayon ay naghahanda ang Comelec para sa  2022 elections, sa kabila ng coronavirus pandemic.

 

“Ferolino-Ampoloquio’s completes the Comelec en banc, which “is now better equipped to fulfill its mandate to further strengthen and advance our democracy,” ayon pa kay Abas.  (Daris Jose)

Other News
  • After magluto ay humirit ng, ‘Do I deserve a bag?’… HEART, isang mabilis na ‘no’ ang natanggap mula kay Sen. CHIZ

    VERY open ang actor na si Edu Manzano na dapat ay dumaan sa psychological test ang pilot na nag-vlog at lumikha ng isyu na diumano’y nag-power tripping si Vice President Leni Robredo at pina-priotize diumano ang pag-landing niya.     Itinanggi na ng management ng Cebu Pacific ang naturang isyu at kesyo under disciplinary action […]

  • Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour

    Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour.     Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic.     Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]

  • Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

    NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.     Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.     Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]